Mikaela POV~
"Kaya pala ang weird mong kumain kanina. Pero nung nag request ka ng mangga, nagkaroon na agad ako ng hinala."
Nandito pa rin kami ngayon sa bahay ko. Pagkatapos ng drama namin kanina, tinuloy na namin ang panonood ng Witches of the East End.
"Talaga? Pano naging weird?"
"Kelan ka pa kumain ng mangga na sinawsaw sa ice cream? Like, ewww! Hindi ko maimagine!!" Hindi ko maimagine ang sarili ko na kumakain ng ganyan. Over my dead gorgeous body.
"Masarap kaya, try mo." She said defensively.
"Tapos, yung pakwan tsaka bagoong?Seriously tardz? Ang weird mo magbuntis. Baka maging alien ang inaanak ko niyan." Ano nga kaya magiging hitsura ng inaanak ko niyan. Baka magmukhang bagoong. Wag naman sana.
"Masarap nga kasi. Palibhasa kasi hindi ka nage-experiment kaya hindi mo alam." Yeah, dyan ka nga mahilig. Sa pag-e-eksperiemnto ng pagkain. Naku, kung hindi ka lang buntis.
"I don't mind eating bagoong tardz. Wag mo lang ipares sa pakwan."
"Hmmmp!"
Inirapan niya lang ako. Maya-maya bigla na lang mag-iba ang facial expression ng mukha niya. Parang iiyak na ewan.
"Bakit parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang mukha mo?"
"Mongz, ganito ba talaga pag nagbubuntis, mahilig kumain?"
"Naku Alexa Marie, nagkakamali ka ng taong tinatanong. Birhen pa po ako kaya wala mo akong tanungin tungkol sa mga ganyan." Anong alam ko sa ganyan eh hindi ko pa nga nasusubukang magkipag toot eh. At wala akong plano. Matali pa ako ng wala sa oras. Tsk.
"Mongz, seryoso ako." Maluhaluha niyang sabi.
"Seryoso din ako Tardz."
Sinimangutan niya ako. Mood swings.
"Siyempre naman kakain ka talaga ng marami kasi may bata dyan sa sinapupunan mo. Kapag konti lang ang kinain mo kunti lang ang makukuha ng baby mo. Hindi siya magiging healthy pag ipinanganak mo siya."-ako
"Tama ka nga! Pero, tataba naman ako."
Ganito ba ang mga buntis? Ang arte. Ano naman kung tataba siya? Buti nga yan para di siya buto't balat eh.
"Ang arte mo. Hindi ka naman tataba eh, magkakalaman ka lang."
"Pareho lang yun. Tapos pag tumaba ako, hindi na ako magiging sexy."
"Natural!"
Tiningnan niya ako ng masama. Oops. Mali pala yung sinabi ko. Bad mouth!
"Tapos pag di na ako sexy, di na ako mamahalin ni Jarred."
"Bakit? Sa tingin mo ba ang mahal lang ni Jarred ay ang katawan mo?"
"Hindi naman sa ganun. Pero di ba ganun naman ang mga lalaki. Mas gusto nila yung sexy, maganda. Hindi yung mataba. Tapos pag tumaba din ako, papangit na ako. Tapos maghahanap na ang asawa ko ng ibang babae. Yung seksi, tsaka maganda."
Hindi na muna ako ng nagsalita. Siya muna pagsalitain ko. Andami namang insecurities ng buntis. Buti nalang I'm single and free. Hahaha! :D
"Tapos pag nakahanap na siya ng ibang babae, iiwan na niya ako pati na rin ang anak namin."
Pasalamat siya at buntis siya ngayon kung hindi nabatukan ko na siya. Seryoso ba talaga siya sa mga pinagsasabi niya?
"Hay naku Alexa Marie. Kung ako sayo hindi ako mag-iisip ng ganyan. Panigurado, pag nalaman ng asawa mo na pinagdududahan mo ang pagmamahal niya sayo, masasaktan yun."
"Talaga Mongz? Sige na nga, hindi na ako mag-iisip ng ganun."
Haays. Buti naman para matigil na siya sa kadadaldal niya.
"Baby," sabay haplos sa tiyan niya. "Ako ang mommy mo. Excited na akong lumabas ka." Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Mahilig kasi si Alexa sa mga bata. Kaya nga pati siya isip bata din. Haha! Kidding. Pero minsan talaga hindi pa rin nawawala yung pagiging isip bata kumilos at magsalita.
One time nga nung 4th year high school pa lang kami, birthday niya nung time na yun. Tapos pareho pa na nasa Italy ang parents niya kasi may business conference daw ang daddy niya doon at ang mommy naman niya, sumama kasi gustong maglibot sa Italy. Dahil sa importante ang lakad na yun, hindi nakauwi ang parents niya sa araw ng birthday niya. Pinadalhan lang siya ng mga ito ng pera para magcelebrate siya kasama ang mga kaibigan niya. Hindi naman nagtampo si Alexa sa parents niya. Naiintindihan niya ang mga ito.
Pero hindi niya iyon nilibre saming mga kaibigan niya. Ang ginawa niya, doon siya nagcelebrate ng birthday sa isang ampunan kung saan siya nagdodonate. Pinabili niya ng pagkain ang perang ibinigay ng parents niya at doon ipinakain sa mga bata.
Mabait na tao si Alexa at alam ko na magiging mabait rin ang magiging inaanak ko. Yay! Inaanak. I love the idea na magkakaroon na ako ng inaanak. May tatawag sakin ng mommy ninang. Bongga! ^__^
----
Alexa POV~
Andito na ako ngayon sa bahay namin. Sa may garden specifically. Pagkatapos ko kasing magdrama kanina, kumain nakami ng pananghalian tapos umalis na ako. May lakad pa kasi si Ella. May date siguro.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Buntis ako. May isang anghel sa sinapupunan ko. Isang anghel na bunga ng pagmamahalan namin ng asawa ko. Isang anghel na magiging anak ko at tatawag sakin ng mommy.
Ang sarap sa pakiramdam na magkakaroon na ako ng baby. Alam ko, ganun din ang mararamdaman ni Jarred pag nalaman niya ito. Kelan kaya siya uuwi para masabi ko na sa kanya ang isang napakagandang balita?
"Baby, I miss your dad na." Sabi ko habang hinihimas ang tiya ko. "It's been 3 weeks pero hindi pa niya ako kino-contact." Namimiss ko na talaga ang asawa ko. Tsaka nag-aalala na rin ako. Kumusta na kaya siya? Kumakain kaya siya sa tamang oras? Baka naman pinapabayaan niya ang sarili niya.
Nakakafrustrate naman ang ganito. Mabuti pa magliwaliw muna ako para hindi naman ako mabored.
Haays. Sana pumasok nalang ako sa office.
Nagpalit ako ng damit. Kinuha ko ang purse ko, ang susi ng kotse at lumabas ng bahay. Marunong akong magdrive ng kotse. Nagpaturo ako kay Nat. Ayaw sanang pumayag ni daddy nung una pero wala na siyang nagawa nung nagpaturo ako kay Nat ng palihim. Eh sa gusto ko talaga matuto. Ayokong umasa lang sa driver o kaya naman kay Daddy, kay Nat at kay Jarred. Marami din naman silang mga ginagawa at hindi ako ang priority nila.
30 minutes na akong nagdadrive pero hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Wala aking destinasyon ngayon eh. Saan nga ba talaga ako pupunta? Hindi naman ako pwedeng pumunta sa mansyon kasi wala naman doon sina mommy at daddy. Ewan ko kung nasaan na sila ngayon. The last time I checked nasa Germany daw sila.
Ah, alam ko na! Pinaliko ko ang sasakyan at dumiretso na sa lugar na gusto kong puntahan.
--
"Baby, dito kami unang nagkakilala ng daddy mo." Nandito ako sa park malapit samin. Sa park kung saan kami unang nagkakilala ni Jarred. Sa park kung kailan ko siya unang minahal. Ang sarap balik-balikan nung nga panahon na iyon.
Hanggang ngayon hindi ako nagalit sa mga nambully sakin. Bakit? Kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi kami magkakakilala ng asawa ko, ng superman ko.
Sana naisip ko to dati pa. Na everytime mamimiss ko siya, dito nalang ako pupunta. Kasi alam ko, sa lugar na ito, wala man siya rito physically, alam kong hinding-hindi niya ako iiwan.
"Magkakasama tayo habang buhay, superman ko."
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...