Part 18: Monthsary Date ...

10.4K 181 0
                                    

"Wow tangkad. Ang ganda naman dito!"

Nasa may isang cliff kami ngayon malapit sa dagat. Refreshing ang hangin dito. And also, tanaw na tanaw ang sunset.

"Oo nga. Maganda."

Nilingon ko siya.

^//////////^

Pano ba naman? Sakin siya nakatingin eh.

Hinawakan ko ang chin niya at hinarap ang mukha niya sa sunset.

"Ang sunset ang tinutukoy ko."

 

"Maganda ka rin naman eh. Sobrang ganda."

Pareho na kaming nakatingin sa sunset ngayon.

I never thought na pupunta kami sa ganito. Naglalakad lang naman kami simula kanina. Iniwan kasi niya yung kotse niya. Mula sa ukay-ukayan kanina dumaan kami sa may park tapos pumasok sa gubat and..

tadaa!!!

nandito kami ngayon sa may cliff. May kalayuan din ang cliff na ito mula sa park kaya mahaba-haba din yung nilakad namin.

Well, siya lang pala. Bakit? Nagpiggy-back ride ako sa kanya kanina. Siya kasi yung mapilit eh.

*Flashback*

Nasa may gubat kami ngayon. Puro mga puno nalang ang nakikita ko. May mga ibon pero hindi ganoon kadami. Meron din palang butterflies dito?


Buti nalang wala pa kaming nakikitang ahas. Baka tumakbo lang ako.

Pero napapagod na ako maglakad. Yung kasama ko naman, kanina pa hindi kumikibo. Nung tinanong ko siya kanina kung saan kami, sinabi lang niya,

 

"Trust me."

Nasa may park kami nung time na yun. Naririndi na siguro siya sa katatanong ko. Kasalanan niya rin naman eh. Hindi niya ako sinasagot ng maayos.


Kung sinabi lang niya sakin agad kung saan kami pupunta, edi hindi na ako magtatanong ng magtatanong sa kanya.

Kanina pa kami lakad ng lakad kaya pagod na yung mga paa ko. Naghanap ako ng puno na malaki kung saan pwede akong magpahinga. Ayun! May nakita na ako. Umupo ako. Uuwi nalang ako, nakakapagod na eh.

"Ok ka lang Marie?" Sumunod pala siya sakin. Alangan naman iwan niya ako dito ng nag-iisa. Siya nagdala sakin dito. :/

 

"Nope. Pagod na ako. Uuwi nalang ako tangkad. Ikaw nalang pumunta dun sa dapat nating puntahan."

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon