"Nakakainis talaga yung lalaking yun. Akala niya kung sino siyang gwapo. Bakit kailangan pa niyang magpaasa ng babae kung wala naman pala siyang planong mahalin iyon pabalik?"
"Mongz, sinong kaaway mo diyan?" Tanong ng bestfriend niya habang inilalagay sa mesa ang dala nitong dalawang baso ng juice at dalawang hiwa ng cake.
"Nakakainis kasi yung bidang lalaki dito sa palabas na pinapanood ko tardz. Sabi niya doon sa babaeng may crush sa kanya na pakopyahin lang siya sa lahat ng exams nila, liligawan siya nito pagkatapos ng exam day nila. Eh ito naman si babae, nagpauto. Ayan! Umiiyak siya ngayon. Ang mga lalaki talaga mga manloloko. Hmmmph!"
"Easy lang mongz. Baka mahighblood ka niyan. Alalahanin po buntis ka. Tsaka hindi naman lahat ah. Tingnan mo yun."Tiningnan niya ang nginuso nito."Manloloko ba yan?"
Ang tinutukoy nito ay si Raven na nasa garden nagdidilig ng mga halaman kung saan kita mula sa kinaroroonan nila dahil sa glass window ng bahay.
Napaisip siya. Manloloko ba si Raven? Oo nga niloko siya nito. Nagpanggap itong si Jarred at nagsinungaling sa kanya. Sinaktan siya nito. Pero sapat na ba yung dahilan para tawagin niya itong manloloko kung ang gusto lang naman nitong gawin ay ang mapasaya siya?
Umiling siya. "Ewan."
"I'll take that as a no. Wag mo kasi lahatin. Hindi lahat ng tao manloloko. May natitira pa rin diyang hindi. "
"Wag mo akong pangaralan. Daig mo pang may karanasan sa pag-ibig eh. Wala ka naman naging seryosong relasyon."
"Sus, makakahanap din ako. Who you ka talaga pag nangyari yun."
"Whatever!"
Kinuha niya ang isang baso ng juice at dahan-dahang ininom ito. Pagkalapag niya sa baso, dumako ang tingin niya kay Raven. Ang tagal na nilang magkasama. Ang dami na rin nilang pinagdaanang dalawa. Siguro nga nag-umpisa ang relasyon nila sa isang pagpapanggap. Pero wala siyang makapang pagsisisi sa kaibuturan ng puso niya.
Naramdaman naman niya na ibang tao ang nasa tabi niya pero pinagsawalang bahala lang niya. Iba ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito. Bumibilis ang tibok ng puso niya wari may nagkakarera sa loob nito. Kinakabahan din siya sa tuwing malapit lang ito. Mga bagay na hindi niya naramdaman noong si Jarred ang kasama niya.
Akala niya normal lang ang ganoong pakiramdam dahil mag-asawa na sila. Na kakabahan sa tuwing magkalapit sila dahil hindi niya alam ang gagawin. Pero nagkakamali pala siya. Dahil ngayon unti-unti ng nagiging malinaw ang lahat sa kanya. Unti-unti na niyang naiintindihan ang nararamdaman niya.
Isa lang ang piping dasal niya, ang sana ay hindi siya magsisi sa huli.
GABI na. Katatapos lang ni Alexa kumain kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Ang kanyang best friend naman ay nasa silid nito at nagpapahinga. Napagod raw ito sa mga pinag gagawa nila sa buong maghapon.
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...