Part 29 : Lies

8.8K 174 2
                                    

I'd rather be miserable because of the truth than be happy with your lies.

~~

Today is saturday. I am home alone. My husband is supposed to stay at home today pero nasa opisina siya. Busy siya ngayon dahil sa merging ng dalawang companies. I understand his situation. Ngayon lang din naman siya naging ganito. He always chose me over the company. I am the one who told him to go to work because they have lots to do. Kung hindi ko siya pinilit, hindi rin yun pupunta dun. Ayoko naman na ako yung dahilan ng pagkalugi ng company nila. Idagdag pa na siya na rin ang magmamanage ng company namin.

Ayaw niya daw umalis dahil at baka daw mapano ako. I am on my sixth month of pregnancy at ayaw niyang hindi ako nababantayan. Buti nalang dumating ang mama niya para dalawin ako. He told his mom to stay with me the whole day hanggang sa makauwi siya. Pumayag naman kaagad si mama. Namiss niya raw ako kabonding.

Kaya lang isang oras pagkaalis ng asawa ko ay may tumawag kay mama at kailangan daw siyang pumunta sa orphanage para sa kanilang munting programa. Gusto ko nga sanang sumama kaya lang gagabihin daw si mama doon kaya hindi nalang ako nagpumilit. Ngayon, ako lang mag-isa sa bahay. Umuwi kasi ng probinsya si manang dahilisinugod sa ospital ang kanyang ina.

Nabobored na ako dito sa bahay. Balak ko sanang matulog nalang buong araw pero hindi naman ako inaantok. Kanina pa din ako kain ng kain. Busog na nga ako. Nakatapos na din ako ng dalawang movies at tinatamad na akong manuod. Gusto kong pumunta ng mall kaya lang baka pagalitan naman ako ng asawa ko. Tumingin ako sa relo ko. Malapit na mag alas onse ng umaga. Malapit ng magtanghalian pero busog pa ako. May pagkain pa naman sa ref dahil naparami ang luto ko kanina.

Napagdesisyunan kong lumabas nalang ng bahay at maglakad-lakad sa labas. Mainam ito sa buntis para hindi mahirapang manganak. Hindi naman mainit sa labas kaya okay lang na maglakad-lakad ako. Pagkakuha ko ng shoulder bag ko, isinarado ko na ang pintuan. Nagdala nalang din ako ng payong baka sakaling umulan.

Naglalakad-lakad lang ako ng hindi alam ang patutunguhan. Safe naman kasi sa subdivision namin. Wala masyadong tao dahil exclusive lang ang place na ito. Puro mga bilyonaryo ang nakatira sa lugar na ito.

Nakarating ako sa park ng subdivision. Hindi ito yung park kung saan una kaming nagkakilala ni Jarred. Pero lahat ng park na mapuntahan ko, siya palagi ang naiisip ko. Ang park ang naging memorable place para sa akin dahil dun nagsimula ang love story namin dalawa.

Kunti lang ang tao sa park. Mabibilang mo lang sa daliri mo. Mga batang naglalaro kasama ang mga yaya nila. Yung iba naman kasama ang mama nila. Ako naman nag-eenjoy akong panoorin sila. Paano kaya kung lumabas na ang anak namin ni Jarred? Magiging kasing kulit kaya siya kagaya ng mga batang ito? Magkakasama rin kaya kaming mamasyal sa park? Napangiti ako sa isiping iyon. Gusto kong ako mismo ang mag-alaga sa anak ko. Ayokong magaya siya sa ibang mga bata na nagiging suwail dahil walang time sa kanya ang kanyang mga magulang.

Hindi ko namalayan ang oras dahil nag-enjoy ako sa panonood sa mga bata. Nang makaramdam na ako ng gutom, napagdesisyunan kong umuwi na ng bahay.

Kung siguro hindi pumasok ang asawa ko sa office, hindi ako mabobored ngayon. Siguro nasanay lang ako na nasa tabi ko ang asawa ko. Kasi naman eh, dapat nandito siya sa bahay dahil sabado ngayon. Walang pasok! Hmmmph! Mas pinili pa niya yung trabaho niya kesa sakin. Kung hindi ko lang siya mahal at hindi ko siya naiintindihan, magagalit talaga ako sa kanya. Haays! Makakain na nga lang. Mabubusog pa kami ni baby.

--

Nandito ako ngayon sa labas ng building ng Villanueva Corporation. Alas kwatro na ngayon ng hapon at dahil bored na bored na si ako sa bahay, napagdesiyunan kong puntahan nalang ang asawa ko dito sa opisina niya. Siguro naman, hindi siya magagalit tutal dito naman ako tutungo at hindi sa kung saan man.

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon