Part 12: Missing Him

10.6K 185 1
                                    

"Ang dungis mo pa rin talaga kumain. Parang nung bata pa tayo. Hahaha!" Kung makatawa naman tong asungot na to akala niya hindi siya ganun nung kabataan niya. Psh!

"Edi ikaw na ang hindi madungis kumain. Tss." Sabi ko sa kanya sabay irap. Naks! Marunong na akong umirap.

"Bakit ang sungit mo ngayon Marie? Meron ka noh?" Aba't!

"Che! Wala noh! Manahimik ka na nga lang dyan. Kita mong concentrate ako rito eh."

"Haha.Opo!"

Nasaan kami ngayon? Hindi ko rin alam eh. Kidding! Andito po kami sa ice cream world! Halata naman kung anong meron dito diba? Hindi naman pwedeng spaghetti ang meron dito. Psh. Pati sarili ko binabara ko na. Malala na talaga ako.

Dito ako madalas dalhin ni Nat pag malungkot ako. Siyempre magkababata kami kahit mas matanda siya sakin ng 2 taon eh super close kami niyan. Parang kuya ko na rin siya eh. Wala kasi akong kuya. Noong ika 5th birthday ko, ang birthday wish ko ay sana bigyan ako ng kapatid na lalaki. Kaya lang di yata dininig ang panalangin ko kaya hanggang ngayon, only child lang ako. Pero hindi naman ako spoiled brat kagaya ng ibang bata. I love my parents at ayokong madisappoint sila sakin.

"Gwapo naba ako masyado para mapatulala ka ng ganyan Marie? HAHAHA!"

"Ang hangin. Buti hindi ka binagyo?" Natulala ba talaga ako? Haha. Yae na nga lang.

"Nagsasabi lang kaya ako ng totoo." Nakasimangot na siya niyan. Haha. Pikunin talaga!

"Ang drama mo. Alis na nga lang tayo."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Uuwi." Tumayo na ako. Sumunod naman siya sakin.

***

Nandito ako ngayon sa garden sa labas ng bahay. Ang ganda kasi talaga ng pagkakagawa eh. Sino kaya nakaisip nito? Tatanungin ko na lang si Red pag nakauwi na siya.

Speaking of Red. Miss ko na siya. Bakit kaya hindi pa niya ako tinatawagan? Ang daya naman eh. Hindi ba niya ako namimiss? Waah!! Nakakainis siya.

May mga napapansing akong kakaiba sa kanya. Parang siya si Red na hindi. Gets niyo? Bahala na nga. Basta siya ang asawa ko.

Boring ulit dito. Ano kayang magandang gawin? Ayoko naman umalis ng bahay. Tinatamad ulit ako.Ahhh! Alam ko na. Magfe-facebook nalang ako. Matagal na rin akong hindi nakaka-open ng fb account. Doon nalang ako sa kwarto. Doon ko rin naman nilagay ang laptop ko.

username: Red<3Marie

password: *************

log in......

Kelan nga ba ako huling nag open ng fb? More than 6 months na pala. Nung sinimulan ng ayusin ang kasal, di ko na nabubuksan fb ko.

99+ friend requests

99+ messages

99+ notifications

Wow! Ang dami naman masyado. Messages una kong bubuksan. Sure ako mga greetings lahat yan. At tama nga ako. Ito lang naman ang kadalasan nilang message sakin.

'Congrats Lex! Di ka na single!'

'Ninang ako sa magiging anak niyo.'

'Dapat may lalaki at tsaka babae.'

'Uie wag mong reypin si papa Red ko bruha!'

Ang advance mag-isip. Anak agad? Darating din kami dyan. At sino naman tong isa na kung makabruha akala mo friends kami.Natatawa ako sa message nila. At the same time, masaya ako. Nag effort talaga sila sa paggreet. Hahaha. Yung mga notifications naman, puro tag lang ng pictures, mga posts at kung anu-ano pa. Ang sisipag nilang mag upload noh? Oh well, dami ko ng pics. ^__^ Add niyo rin ako kung gusto niyo :D Wag niyo na hanapin ang kay Red. Mapapagod lang kayo. Hindi yun mahilig sa fb. Kaya walang fb account. Ako lang meron siya.Hahaha

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon