"What are you doing here?" I didn't think na pupunta siya rito.
"Bawal pala ako pumunta sa opisina ng asawa ko?"
Yeah! It was just Jarred. Pasensya naman. Nashock lang naman ako na nandito siya. Kakatawag ko lang sa kanya few minutes ago tapos ngayon andito na siya sa harapan ko.
"That's not what I meant tangkad!"
Umupo siya sa may sofa.
"I know babe. Mukhang wrong timing ang pagpunta ko rito. You look busy."
"Yeah. Ang daming paperworks."
Hindi na siya sumagot. Instead, he got up and surveyed my office.
"Bakit hindi mo dinala sa bahay si Maven?" -siya
Maven? Sino naman daw yun?
"Maven?"
"Yep. This teddy bear I gave you yesterday." He said while pointing at the pink teddy bear sitting on the sofa near the window.
"So ikaw ang nag-iwan nito dito sa office."
"Yeah. I know mahilig ka sa teddy bears. It's from Sweden, actually."
"Thank you tangkad. Nag-abala ka pa talagang bilhan ako niyan."
"No problem. Anyting for you babe."
^_______________^
Namimihasa na siyang tawagin akong babe ah. Kinilig naman ang lola niyo. Hihi
"Pero bakit Maven?"
"Uhm, yan kasi ang unang pumasok sa isip ko pagkabili ko niyan."
"I see. So from now on, she's Maven." He just smiled. Ang gwapo. *_____*
Ibinalik ko nalang ulit ang tuon ko sa mga paperworks na nakatambak. Medyo sumasakit na ang ulo ko.
"Why don't you take a break? Mukhang sumasakit na ulo mo diyan eh." Napansin siguro niya ang discomfort ko.
"Nah. Later. By the way, anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa company niyo?"
"Umalis ako dun." Pilosopo (=_=)
"Yeah right! Wala ka bang gagawin sa company niyo?"
"Wala."
"Baka may meeting ka pa."
"Wala rin."
"Wala kang paperworks?"
"Wala."
"Uhm-"
"You don't want me here, do you?"
"Hindi naman sa ganun. Naiinggit lang ako sayo. Hindi ka busy. Ako, maraming ginagawa rito." (-.-)
"Then let's take a break." He is smiling widely while he was saying that.
Tumayo siya tapos lumapit sa kinauupuan ko. Walang pasabing hinila ako palabas ng office ko.
"Ate Janeth, I'll borrow my wife. Ikaw po muna ang bahala dito. Salamat po!" Tuloy-tuloy niyang sabi. Hindi man lang hinayaang magsalita si ate Janeth.
Tapos kinaladkad na naman ako. Hindi ako binigyan ng chance na makapagsalita.
---
"Tangkad, san ba kasi talaga tayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
Substitute Groom [COMPLETED]
RomanceNaranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom? Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo. Panu pag dumating yung araw na malalaman mo yung toto...