Liham para sa Aking Mga Kapanalig

1.7K 70 18
                                    

                                           Hunyo 16, 2021
                                       Kafagway, Pilipinas






Aking mga kapanalig,

Magandang araw!

Malugod akong nagpapasalamat sapagkat kayo'y nakarating sa dulo ng nobelang ito, kung hindi man, marahil ay inuna ninyong basahin ang liham na ito dala siguro ng inyong kuryosidad o kung ano pa man ang rason. Gayumpaman, maraming salamat sa pag laan ng oras.

Sa mga nakatapos ng nobela, Inaasahan kong nakapulot kayo ng mga aral at binasa ninyo ito ng buong puso.

Nais ko lamang magsalaysay ng kaunting kwento. Nitong mga nakaraang araw ay binalikan ko ang nobelang ito, mahigit isang taon na rin mula noong ito ay aking isulat.

Wala pa akong masyadong alam noon tungkol sa tamang pormat ng pagsusulat, tamang pag gamit ng mga bantas at maging ang pag gamit ko ng wikang tagalog at ibang parte ng kasaysayan ay marami ring pagkakamali.

Napapakunot nalamang ako ng noo, natatawa at napapangiwi saaking sarili habang binabasa muli ang sarili kong akda sa kadahilanang, akala ko ay na itama ko na ang mga pagkakamali ko noong i-edit ko ito noon ngunit hindi pa pala.

Napakarami pa ring mga cringe, korni maling grammar at iba pa sa loob ng kwento. Ngunit tulad nga sa buhay, mahirap itama ang mga pagkakamaling dulot ng pagmamadali ng bagay na wala pa sa wastong panahon, padalos-dalos na desisyon at pagtingin sa maling pananaw.

Habang sinusulat ko ang nobelang ito noon ay masyado akong nagmamadali, para bang nagsusulat lang ako upang may maipag yabang na mayroon akong natapos, kung minsan ay hindi ko na pinag i-isipan pa ang sinusulat ko, hindi ko na tinitignan pa kung may kabuluhan ba iyon dahil ang gusto ko lang ay may laman. Kung ihahambing ay para lang akong nagsasayang ng papel at tinta.

Marami akong nasimulang nobela bago ito, wala pa akong pakialam noon sa mga reads, follows or votes ngunit simula nu'ng maranasan ko ang mga bagay na iyon ay parang duon na tumutok ang atensyon ko. Hindi pa ito ang una kong writing account, ang una ay hindi ko na mabuksan.

Nakakapanlumo dahil marami na akong nasimulan ron, tumigil ako ng higit dalawang buwan sa pagsusulat at tinuon ko ang aking atensyon sa ibang bagay tulad ng pagbabasa ng historical at fantasy novels dahil doon ako mahilig, pinanood ko rin ang mga historical movies ng  Pilipinas.

Pagkatapos niyon ay unti-unti na naman akong nakabuo ng kwento sa'king isip. Kaya kung nagtataka kayo, inspired talaga sa mga iba't- ibang kwento ang nobelang ito, ngunit hindi ako tumatanggap ng paghahalintulad ng landakan sa aking nobela dahil may sarili akong plot.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon