NAGUUNAHANG tumulo ang bawat butil ng pawis ko dahil sa tirik na tirik na araw. Nasa kalagitnaan kami ng pag a-ani. Naisipan kasi nila Aling Panyang na maki-tulong kami sa mga trabahador rito sa bukid dahil wala naman kaming gagawin ngayon at mas mainam nalang na tumulong kaysa mamasyal dahil wala kaming sapat na pera upang ipambili sa kung anong makita namin.
Naging kumportable naman ako kahit papaano sa suot kong puting kamisa de tsino dahil nakakasawa rin ang mahabang saya na laging sumasagabal sa aking kilos. Ang sakit na rin ng likuran ko at sobrang init na ng aking pakiramdam dahil bukod sa first time ko itong gawin, hindi ako laking probinsya at bihira lang magpawis na minsan ay hinahadlangan pa ng aircon.
Kahit naman nakakapagod ay nage-enjoy rin naman ako dahil nakikichika kami ni Elina sa mga kuwento ng mga kasama naming dalaga na naga-ani. Panay naman ang pag palakpak ng tainga namin ni Elina tuwing mai-inggit sila dahil imbitado kami sa kaarawan ng isa sa anak ng Gobernadorcillo, sa kaarawan ni Miguel.
Pinaga-awayan pa nila kung sino ang mas guwapo sa magkaptid, kung si Samuel ba o si Miguel samantalang ang mga kaedad naman ni Elina ay kinikilig kay Federico kaya't nananahimik nalang siya at halatang naiirita narin dahil panay ang banggit at kilig ng mga kasama namin sa crush niya.
"Hali na kayo't mag miryenda muna!" Sigaw ni Aling Panyang. Agad kaming pumunta sa kubo kung saan inihahain ni Aling Panyang at mga kasama niyang matatanda ang mga miryenda.
May mga nilagang Kamote, nilagang saging tsaka buko juice.
Nang mag umpisa ng kumain ay agad akong dumampot ng nilagang saging at matapos itong kainin ay inihagis ko na lamang ang balat nito sa kung saan.Wala namang taong mahahagisan ko dahil nandito silang lahat na nagmimiryenda.
"Ate bakit mo itinatapon ang mga balat ng saging sa palay?" Bulong sakin ni Elina pero narinig nila. Feeling siguro nila dinudumihan ko talaga 'tong bukid."Ah, kase pataba rin ito" Paliwanag ko saka hinagis muli ang balat ng saging sa kung saan.
Marami nang nagsurrender sa miryenda pero parang gutom na gutom ako at ayaw ko nang tantanan ang mga miryendang ito. Panay lang ang lamon ko habang tumatango sa sarap, ang sarap talagang kumain 'pag gutom.
Narealize ko kung gaano pala kaganda sa panahong ito, kahit na nakakapagod ay masaya naman dahil nakikita mo ang pagkakaisa, tulong-tulong at naroon ang aral na bago mo makuha ang isang bagay ay kailangan mo munang paghirapan, sa panahong ito lahat ay pinaghihirapan.
Maliban sa mga kastilang ganid.
Kahit naman sa panahon ko pinahihirapan rin, 'yon nga lang ay hindi na masyadong nagkakaisa ang lahat. Pataasan na sila na hindi man lang nakikita ang mga natatapakang tao. Ganon nila nakakamit ang gustong makuha.
Siguro kung nasa moderno ako ngayon, chuckie at fudgeebar ang kinakain ko.
"Magandang tanghali heneral!"
"Magandang Tanghali señor!"
"Magandang tanghali rin sa iyo ginoo"
Napatigil ako sa paglamon ng marinig ang mga pagbati nila. Dumating 'yung mga bunga ng kalandian ni Donya Valencia.
Char, hindi niya pala anak si Federico. Tinampal ko rin ang bibig ko dahil sa naiisip. Ang sama ko talaga kay Valencia.
Agad rin akong nagpa tuloy sa pagkain dahil wala akong pakialam sa mga dumating, siguradong ang half-half nga na magkakapatid iyon dahil sila ang nagmamay- ari ng farm na ito na siyang pinagkatiwala nila kay Mang Tuding.
"Ate Felicia!" nagulat ako nang may kumalabit sa aking Likuran. Bigla tuloy akong napaharap kay Federico kahit puno ang bunganga ko ng nilagang saging, kasama niya si Miguel na ngayon ay ang ganda ng ngiti saakin.
BINABASA MO ANG
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)
Ficción histórica[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Fo...