KABANATA18

2.1K 146 75
                                    


"Felezita?" Kunot noo kong tanong sabay kalas ng kamay niyang nakayakap saakin kanina.

Napatingin ako sa mukha niya, agad siyang yumuko at tumitig sa lupa.

"Ba't ang drama mo, ha?" Panunukso ko ngunit wala rin lang epekto dahil nanatili lang siyang nakatitig sa lupa.

"Oh sige, kausapin mo 'yang lupa" sarkastiko kong saad sabay ngiti at akmang tatalikod na sana ng tawagin niya ako.

"Felicia" Aniya.

"O? Diyan ka na sa tumitig sa lupa, 'yan na kausapin mo, tinatanong kita kanina tapos binabalewala mo, sige diyan ka na sa lupa. Goodnight!" inis kong saad at winagayway ang kamay ko.

"Felicia!"habol niya saakin at hinawakan ang aking kamay. Iyon nanaman ang kakaibang kiliti saaking puso sa tuwing magdidikit ang aming balat.

Napalingon ako sakaniya at agad inarkuhan ng kilay.

"P-paumanhin" napalunok siya ng ilang beses at agad binitawan ang kamay ko.

"Ano ba kaseng drama mo lolo?" Tanong ko sakaniya.

"lolo?" Kunot noo niyang tanong.

Napailing nalang ako, kung alam niya lang na lolo na siya sa panahon ko at kilala ko ang apo niyang si Mang Eric.

"G-gusto ko lang sana ng kasama?" Aniya at umiwas ng tingin.

Mas lalong umarko ang kilay ko at napangisi ng kaunti.

"Ano?!" Tawa ko at hinawakan ang kaniyang pisngi upang iharap saakin.

Nagulat siya sa ginawa ko ngunit natawa nalang ulit ako.

Halos lumuwa ang mata niya dahil sa pagkakahawak ko sakaniyang pisngi na akala mo'y susunggaban ko.

"Umamin ka nga sa'kin" saad ko habang nakatingin ng deretcho sakaniyang mata.

Humakbang ako ng isang beses palapit sakaniya habang siya naman ay hindi mapigil sa paglunok.

"May gusto ka sa'kin no?" panunukso ko.

"A..a-ah?" Aniya na hindi makatingin ng tuwid saakin.

Hindi naman sa makapal mukha ko pero sadyang nais ko lang mang-asar, wala naman sigurong malisya sakaniya pagkatapos ko siyang pagtripan dahil good friends na rin kami.

"H-hindi ko alam ang iyong mga sinasabi" saad niya at tumingin sa kaliwang direksyon.

Humakbang ako papunta kung saan siya nakatingin at nginisian siya.

"Weh? ba't ka nauutal?" Ngisi ko sakaniya.

Sumulyap naman siya sa'kin at tumuwid ng pagkakatayo.

Tumikhim siya."Sinong nauutal?" Tuwid niyang tanong sabay tingin rin ng deretcho saaking mata.

Sandali pa kaming nagtitigan at parehong natawa na para bang pareho na kaming nahihibang at wala sa sarili.

"Pinuntahan kita dahil may gusto akong iparating" saad niya at nagumpisang maglakad.

"Anong iparating?"tanong ko at sinabayan siya.

Naglabas siya ng buntong hininga, nagulat ako ng idikit niya ang kaniyang braso saakin.

Parang may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahilan upang lumakas ang tibok ng aking puso.

"Nais kong sumama ka sa'kin, bukas ng gabi, nais kong iparating sa'yo ang katotohanan" saad niya saakin kasabay ng marahang paghaplos ng kaniyang palad saaking kamay upang hawakan iyon, bagay na nagpahinto sa ikot ng mundo ko.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon