KABANATA 9

2.5K 168 123
                                    

ISANG araw nalang at papayagan na rin kaming umuwi ni Mang Tuding sa bahay.

Sa Mansyong ito, pinipili lang nila ang papayagang umuwi.

Biyernes at sabado lang dapat kami mawawala pero pinayagan ang kahilingan ni Mang Tuding na hanggang Linggo nalang dahil magsisimba pa raw kami ng magkakasama.

Mukha ngang malakas talaga si Mang Tuding sa pamilya nila.

KINABUKASAN ay napaka aga kong gumising, wala pa namang oras ng pagtratrabaho kaya pumunta muna ako ng hardin.

"Ate Felicia" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Federico.

"Oh? aga mo ah?"saad ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa, pormadong-pormado.

"May aasikasuhin lamang po ako na ipinaguutos ng aking guro. Babalik rin ako mamayang hapon" Sambit niya.

Napatango nalamang ako.
"Ngunit mamaya pang alas-otso ako aalis" saad niya at napakamot sa ulo.

"Eh ba't ang aga mo? balak mo pang mang chix noh?" natatawa kong saad sakaniya.

"Maaga po kasi akong nagising, at tungkol po sa huling sinabi niyo...Ano po yung T-tseks?" Bigla akong natawa dahil sa Tseks niya!

"Anong?----Hahaha!wala yon" sambitko na lang "Kabisado mo na ba ang Mansyon ate?" Napailing ako sa tanong niya.

"Hindi pa" sagot ko.

"Sumunod ka po sakin" aya niya at tumalikod.

Parang kuya niya lang, eh. Feeling commander.

Wala naman na akong nagawa kundi sumunod.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang sulok kung saan naka display yung mga portrait nila at mga picture na black and white pa.

Gusto ko sanang buhusan ng sabon mata ko para malinisan. Panay mukha nalang kasi ni Samuel ang una kong nakikita. Siya kasi ang mas nakakapukaw ng atensyon dahil sa mga litrato niyang naka pang heneral. Napansin ko rin na as in lahat ng portraits ay walang naka ngiti. Puro seryoso o fierce at nakakatakot ang itsura nila.

Hindi ko rin maiwasan ang mamangha dahil sa galing ng pagkakaguhit at pagkakapinta sa mga portrait.

Nahinto ako ng makita ang portrait ng isang pamilya. Isang Donya ang nakaupo sa silya habang kalong niya ang isang batang nasa anim na taong gulang. Nasa gilid naman nila ang isang Don---si Don Teodoro ba 'to?Napatingin ako sa Donya, hindi naman 'yan si Valencia, napatingin ako sa batang nasa anim na taong gulang at napaka-taba nito.

Si Federico?

"Ate, dito naman po ang----Ah! 'wag yan!" sigaw niya at tumakbo sa portrait saka ito tinakpan.

"Nakita ko na 'yan!ang cute mo naman dati! " saad ko at tumawa. Napakamot naman siya ng ulo at inalis ang pagkakatakip sa portrait.

"S-sino naman 'yung babaeng nakaupo?" tanong ko saknya.

Napabuntong hininga naman siya."Si ina po iyan" saad niya.

"Paumanhin, hindi ko sinasadyang banggit---"

"Ayos lamng po" ngiti niya sa'kin.

Napangiti naman ako at sinimulan siyang tuksuhin.

"Mataba ka pala dati" sambit ko.

"Nito nalang ako pumayat ate, huwag mo akong tuksuhin baka ikaw ang lumobo diyan hahahaaha!" Bungisngus niya pa. Napangiti naman ako, buti nalang at hindi siya pikon. Kahit papano ay nag-enjoy naman ako sa tour namin ni Federico. May library pa pala sila sa mansyong ito, may dalawang opisina pa at isang laboratoryo para daw sakaniya dahil balak niyang mag doktor.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon