KABANATA 3

3.2K 222 60
                                    

"Tumawag ka'yo ng Doktor!" utos ng isang kawal na umaalalay ngayon sa Heneral.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang nagdurugo niyang Tagiliran.

"Wait! Totoo yan?" Halos lahat sila ay napatingin sa'kin na para bang babalatan nila ako ng buhay.

Seryoso ako,  kinakabahan na ako sa nangyayari.

Lahat sila ay nakatingin sa'kin na para bang sinasabi ng mga tingin nilang what the fuck hindi ba obvious?!

Hanggang ngayon ay hindi parin ako kumbinsido na nasa panahon ako ng kastila dahil napaka---

Imposible!

Unti-unti akong lumapit sa Heneral at hinawakan ang nagdurugo niyang sugat. Bigla siyang napadaing ng malakas.

"Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?!" Inis na sigaw ng kawal saakin.

"Ofcourse not!" Pag-irap ko.

"Walang doktor!" sigaw rin ng isang kawal.

"Mahigit isang oras pa ang tatahakin natin kung itatakbo natin siya sa ospital...mauubusan siya ng dugo kung sakali" paliwanag ng isang umaalalay sa nanghihinang heneral.Mukhang nasaksak ang tagiliran niya.

Napalunok ako.

Gusto ko silang tulungan dahil isa akong nursing student.

Pero paano? Baliw nga ang tingin nila sakin, e. Isa pa, medyo galit pa rin ako.

"Huwag na tayong magsayang pa ng oras, itakbo na natin ang aking kapatid sa ospital" kalmado ang boses na utos nang Kolonel. Kaya pala mukhang close sila dahil magkapatid.

Akmang bubuhatin na nila ang heneral ngunit pinigilan ko sila.

"Sandali!" sigaw ko na siyang nagpatigil sa kanilang lahat.

"Wala kaming oras sa'yo binibi-"

"Isa akong manggagamot!" sigaw ko na siyang ikinatigil nila.

Tinignan ako ng kapatid ng heneral—ang kolonel mula ulo hanggang paa, hindi mawari sa reaksyon niya kung paniniwalaan niya ba ako o hindi?

"Huwag niyo na siyang pag-aksayahan pa ng oras" utos ng nito.

Excuse me?!

"Woi teka!totoo ang sinasabi ko!Heto!-" naalarma sila ng hablutin ko ang itak na hawak ng isang kawal at itinaas iyon.

"Ibaba mo iyan!" saad ng isang kawal, inirapan ko nalang siya.

"Kapag hindi ko siya nalunasan pwede niyo na rin akong saksakin gamit nito!"

Natigilan ang lahat, maging ako ay natigilan sa sinabi ko.

Seriously? Ba't ko yun ginawa? Baka mamatay ako ng wala sa oras kapag 'di ko siya nalunasan. Puwede pa ba 'yong bawiin?! Grabe, galit dapat ako pero nagpapaka-bayani ako rito.

"Sa tingin ko ay kailangan natin siyang pakinggan, bihira lamang ang nagbibigay ng kondisyon na ang kanyang buhay ang kapalit sa ibibigay nating tiwala" suhestyon ng isa.

Napatingin naman ng deretso sakin ang kapatid ng heneral.

"Paano kung... " Aniya at dahan-dahang humarap sa kawal at may binulong with action.

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil nababasa ko yung action niya!  iniikot niya 'yung hintituro niya sa tapat ng tainga na para bang sinasabi niyang may saltik ako sa utak!

Dahil sa inis ko kinuha ko yung tsinelas ko at binato sakaniya! Iyon!  Sapul! Desurb, vhie.

"Umalis na ta'yo, nasisiraan na nga siya ng bait!" Wika ng kolonel na nakahawak sa tinamaan kong ulo niya. "Masuwerte ka sa oras na ito, sa susunod na ika'y aming makita, ikaw ay ipapakulong sa Fuerza at puputulan ng dila!"

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon