KABANATA 16

2K 141 70
                                    


This chapter is dedicated to SheilaMaeAlico❤️


NASILAW ako sa liwanag na sumisilay saaking mukha, inilibot ko ang aking paningin saka napagtantong nasa Hospital ako.

Iginalaw ko ang aking kamay nang maramdamang may nakapatong roon. Napatingin ako kay mama na nakatulog habang naka patong ang ulo sa'king kamay, naalimpungatan siya dahil sa kaninang pag galaw ko.

"Omg!Anak, nurse gising na siya!" Sigaw ni Mama na namumula pa ang mata.

"Ma, anong nangyari?" Pagtataka ko.

Halos maiyak naman siya sa tuwa, OA talaga ng nanay ko.

"Sabihin mo lang saakin kung may problema ka, anak hindi mo naman kailangang magpakamatay sa loob ng aparador na i---"

"Ma?! anong magpapakamatay?"inis kong wika sakanya.

"Aba'y ewan ko saiyo! naglaslas ka na nga lang sa paa pa!"sigaw niya saakin.

"What?!"agad akong napaupo at inalis ang kumot, may sugat ako sa paa na parang natusukan ng bubog.

Nangunot ang noo ko, ang huli kong naalala nagkulong ako sa kuwarto ko dahil pinagalitan ako ni daddy, pero wala akong naaalalang linaslas ko paa ko! duh!maglalaslas na nga lang sa paa pa? ano ako, tanga? tsaka ano ako bata para magtampo ng ganon sa ganong dahilan lang?

"Anong oras na po?" Tanong ko sakaniya.

"11pm"

Napakagat ako sa aking labi, ibig sabihin 4 hours akong natulog? Dahil lang sa isang laslas?

"Magdadalawang Araw kang tulog" dagdag pa ni mama at hinawakan ang kamay ko.

Mas lalo akong nagtaka.

"Paano?" hindi ko makapaniwalang tanong sa sarili.

Magsasalita pa sana si mama ng dumating ang nurse. Madaming inexplain ang doctor na kailangan ko na daw ipacheck ang aking mental health. Psh, ano ako baliw?

Buti nalang wala akong pake roon dahil may iba akong pilit na iniisip.

Bakit parang may kulang? Parang may gusto akong alalahanin na hindi ko maalala.

Napahawak rin ako sa aking dibdib, normal lang siguro na ganito kalakas ang heartbeat ko dahil nagulat ako sa sinabbi ni mama na natulog ako ng 2 days...

"WEIRD, nakatulog ka ng 2 days dahil lang sa laslas mo sa paa?" tanong ni Yuri. Tumango naman ako sakaniya at napakagat sa pang  ibabang labi.

"Pero hindi ako naglalas noh, Duh!ba't naman ako maglalaslas? saka wala akong matandaang nasugat ng bubog 'yung paa ko"suhestiyon ko.

"Tangeks magjowa ka na kasi" sabat ni Jezel.

"Luh, nagsalita yung balot" pasimpleng bulalas ni Yuri na narinig rin lang naman ni Jezel.

"Tarantado ka diyan Yuri, ishoot ko sa bunganga mo betlog ni padre Damaso" sabat ni Jezel dahilan para pagtunginan siya ng mga taong nasa tabing table namin.

Napahawak nalang ako sa sintido ko, kahit kailan talaga 'tong  si Jezel walang preno ang bunganga.

Pang- asar kasi yon ni Yuri sakaniya, balot daw kasi no jowa since birth, aba ewan ko, 'di ko rin gets 'yang si Yuri, eh.

"Wala ka talagang natatandaan bago ka mahimatay?" Tanong  ni Daisy, siya  lang anng matino kong nakakausap.

Si Daisy talaga ang pinakamaintindihin saamin dahil siya ang pinakamatanda. 23 years old na siya.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon