KABANATA 28

1.7K 101 41
                                    

"LINULUSOB tayo ng mga sundalo! " Sigaw ni Luicio.

Agad akong hinila ni Samuel sa pulsuhan at tumakbo.

"Sandali, sila Mang Tuding! "Sigaw ko.

"Nauna na sila! Dalian natin! "Sigaw rin ni Samuel habang tumatakbo kami. Naka sunod rin saamin si Padre Dominggo at Donya Valencia, buti nalang naka kamiseta kaming lahat kaya madali lang ang aming pagkilos.

"Mang Tuding!" sigaw ko ng matanaw si Mang Tuding na papalapit saamin.

"Heneral, sumama kayo saamin! Sa dulo ay may naghihintay na bangka naroon na si Panyang At Elina!" wika ni Mang Tuding at inabot ang isang baril kay Samuel, agad iyong kinasa ni Samuel.

Binigyan rin ako ng baril ng isa. Nakita kong may hawak na ring baril sila padre Dominggo.

"Tara na!" Tawag pa ni Mang Tuding at nauna saamin kasama ng iba pang mga kalalakihan.

"Huwag kang lalayo sa aking tabi! " madiing utos ni Samuel saakin kasabay ng malalakas na pag putok ng baril.

"Samuel Lopez!Sumuko ka na!" Napahinto kami sa harapan ng limang sundalong nakatutok ang baril saamin.

Napapikit ako sa takot, pakiramdam ko ay mabibiyak na ang aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito.

"Atras" bulong ni Samuel habang nasa likuran niya ako at nakaharap kami sa mga kalaban. Nakatutok ang higit sampung baril saamin habang nakatutok rin ang isang baril ni Samuel sakanila.

Wala naman akong ginawa kundi sundin siya. Hindi ko pa nagamit ang baril, takot akong gamitin iyon at hindi ko rin alam.

Nanatiling nakatutok ang kanilang mga sandata saamin, nanatili naman akong nasa likuran ni Samuel.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngunit sana makahanap siya ng paraan upang makatakas.

Nakita ko ang pag igting ng panga ni Samuel at ang matalim niyang titig sa mga sundalo.

Sinubukang ibaba ni Samuel ang kaniyang sandata dahilan upang mangunot ang noo ko, iyon ay tanda ng pag-suko!

Dadapa palang sa lupa ang sandata niya  nang umalingawngaw ang putok ng baril sa 'di kalayuan at umasinta sa isang sundalo!

Bumagsak ang isang nasa harapan namin!

"Takas!" Sigaw ni Luicio  na siyang isa sa nakikipaglaban sa mga sundalo! winawagayway niya pa ang kaniyang kamay senyales na umalis na kami. Tatlo sila... laban sa Sampu— siyam na sundalo!

"Pare..." Bigkas pa ni Luicio kay Samuel sabay tsulyap saakin. Nakita ko naman ang pag yuko ni Samuel at pag ngiti ng marahan saka hinawakan ang kamay ko.

Bago tuluyang tumalikod ay iniwanan ko muna ng isang makahulugang ngiti si Luicio.

Salamat

Natuon ang atensyon ng mga kawal kila Luicio dahilan upang magkaroon kami ng pagkakataong tumakas.

Panay ang barilan sa aming paligid ngunit kasalukuyan namin itong tinatawid. Hindi ko na nagawa pang lumingon sa gilid, sa likuran o tumingin sa harap. Deretcho lamang akong nakatingin sa lupa kasabay ng malakas na tibok ng puso ko sa kadahilanang anumang oras ay maari kaming mamatay.

"Señor! Maraming parating! " Sigaw ni Mang Tuding na siyang nasa likiran namin. Awtomatiko kaming napalingon.

Nauubos na ang mga rebeldeng kasama namin, kasalukuyan na ring tumatakbo palapit saamin ang ibang sundalo.

Malapit na kami sa daungan ngunit hindi malabong maabutan kami ng mga sundalo kung walamg haharang sakanila!

"Padre! Mauna na ho kayo! Ingatan niyo si ina at Felicia!" Utos at bilin ni Samuel kay Padre Dominggo ngunit hinawakan siya ni Mang Tuding sa braso upang pigilan itong ipag tabuyan kami.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon