KABANATA 1

7.3K 261 123
                                    

A/N: ang mga kabanatang may simbolong '❦' sa unahan ay edited. Ibig sabihin, maaaring napalitan, nadagdagan o nabawasan ang ilan sa mga dayalogo na nakasulat sa mga dating bersyon. Gayuman ay nakasisiguro kong walang napalitan sa takbo ng kuwento. Maraming salamat!

"UNCLE, you can put it here po muna, ang ganda talaga! "

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay narinig ko na ang boses ni mama. Kagigising ko lang at sa palagay ko ay tinanghali nanaman ako. Habang pababa ng hagdan ay napakunot ako ang noo at halos umirap nang makita kung ano ang pinagkaka-abalahan nila.

Bagong antique nanaman?

Mabilis akong bumaba sa hagdan at bumuntong hininga. Nagmimistulang museum na ang bahay namin dahil kay Mama.

Ang hilig niya kasi sa makalumang bagay. Gustong-gusto niya ang mga materyal na niluma na ng panahon. Feeling Donya rin siya sa spanish era, aba, kering-keri niya naman talaga maging ma-attitude na Donya-donyahan. Hindi niya bagay maging tipikal na inang Filipina dahil maarte siya at coconyo-conyo. Though, mapagmahal naman siya at ma-alaga.

"Oh? My panganay is already awake!" bungad niya saakin na ine-emphasize ang salitang panganay. Marahan akong tumango at humalik sakaniyang pisngi.

"Good morning po" bati ko. Sa kabila ng ka-artehan niya ay siya naman ang nagbibigay sigla sa tahanang ito. Madaldal si mama na ultimo kaibuturan ng bawat nangyari sa buhay niya ay kaya niyang ikwento. Kahit nga nangyayari sa mga taong nasa paligid niya kakilala niga lang o hindi basta naichimis sakaniya ay ikwekwento niya rin talaga saamin.

"Siya 'yung panganay ko, uncle" pagpapakilala niya sa'kin sa isang lalaki na nasa edad 50 na rin. mukha siyang helper sa pagbubuhat.

"Hehe, hello  po, good morning!" Bati ko sa lalaki at kay Mang Eric at sa lalaking kasama niyang nagbuhat ng Aparador. Namangha ako dahil sa edad nilang iyon ay nagawa nilang mag buhat ng ganoon kabigat!

"Magandang umaga rin. Ano na nba bang pangalan mo, hija?" tanong ni mang Eric.

"Azalea ho"

"Felicia, uncle!"

Sabay naming sagot ni mama. Napakamot ako sa batok at ngumiwi kay mama. "Azalea Felicia po pangalan ko pero mas bet ko po ang una" paliwanag ko.

"Maganda rim naman ang iyong pangalawang 'ngalan!" Tugon ni Mang Eric na may pambobola pa sa tono.

Sumang-ayon naman sakaniya si mama na siyang nagbigay sa second name ko.

Si Mang Eric ay tito-titohan ni mama na madalas niya ring pinagbibilhan ng mga antique niyang gamit. Isa siyang matandang binata na may ari ng maliit na antique shop pero mababait siya sa mga bata lalo na sa mga batang kalye na lagi niyang binibigyan ng pang-kain at damit.

"Uncle, there nalang po pala sa Bedroom niya, 'yung last kasing cabinet niya is plastic kaya nasira agad"

Walang imik akong dumaan ng naka-yuko sa pagitan nila ngunit agad ring napatigil nang makapasok sa tainnga ko ang utos ni mama.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang utos ni mama, teka nga! Tama ba narinig ko? Sa kuwarto ko?! Ba't sa kuwarto ko?!

"Ma?!Bakit sa kuwarto ko 'yan?" gulat at iritado kong tanong sakaniya.

"Oh? why, honey? Ayaw mo ba? It's so classic kaya, very antique ang dating napabili tuloy ako ng wala sa oras, gosh!" saad niya habang manghang-manghang nakatingin sa aparador na inaakyat papuntang kuwarto ko.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon