NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ang malakas na sigaw ng isang babae.
"Isang kapangahasan!" tila pamilyar ang tinig niyang iyon, napabalikwas ako ng bangon nang mapagtantong hindi ko ito kwarto. Wala rin ako sa Hospital. Ang huli kong natatandaan ay nabaril ako, napatingin ako saaking damit at laking pagtataka ko nang makita ang aking sariling naka baro at saya.
May lumitaw sa bulsa ng saya ko kaya agad ko iyong kinuha, isang kuwintas na relo, ito ang binigay saakin ni Mang Eric. Sandali akong napatulala sa bagay na iyon habang unti-unting dumadapo ang aking palad sa relo nito.
Napayuko ako at napapikit ng biglang sumakit ang aking ulo ng hawakan ko iyon, habang nakapikit ay ilang mga ilusyon ang nakikita ko.
Muli kong binuksan ang aking mata at nawala ang mga imahe mula sa ilusyon, nang ipikit ko ulit ay pumasok ang ilang ala-ala hanggang sa magpatuloy na iyon habang hawak ko ng mariin ang kwintas na relo.
Nanlaki ang mata ko at agad lumundag sa kama.
Naaalala ko na ang lahat! Agad-agad akong lumabas sa kuwarto ni Samuel at naabutan ko ang buong pamilya nila na nagtatalo.
"Iyan! ang higad na 'yan!" Sigaw ni Valencia saakin.
"Kasalanan ko po ang lahat" Sabat ni Federico.
"Ako ang may kasalanan" wika naman ni Samuel, kunot noo naman akong humarap sakanila.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Abay ang galing pang magtanong---" si Valencia.
"Magpalamig muna kayo ng inyong ulo, ipapatawag ko kayo mamaya bago maghapunan at pag usapan natin ng masinsinan ang bagay na iyan" mahinahong wika ni Don Teodoro, magsasalita pa sana si Valencia ngunit nagulat ako nang bigla akong hilain ni Samuel saaking palapulsuhan. Nagulat rin sila maging si Don Teodoro at Miguel syempre lalong-lalo na si Valencia, ngunit awtomatiko akong sumunod kay Samuel.
Nang makalayo kami sa mansyon ay huminto na siya sa paghihila saakin at tumingin ng deretcho saaking mata, napatingin ako sa suot niya, iyon ang kamisetang sinuot niya sa harapan ko bago ako lamunin ng aparador.
"Apat na oras kang tulog" Panimula niya.
"Ano?" Hindi ko makapaniwalang saad.
"Nang makaalis sila ina sa aking silid ay nakita kitang walang malay sa aparador na iyon, may sakit ka ba sa puso at hirap kang huminga sa kulong na lugar?" tanong niya saakin.
"H-hindi" sagot ko, napahinga naman siya ng malalim.
"Patawad sa inasal ko kanina, hindi dapat kita binuhat ng ganoon at sa pangalawang beses ay binuhat pa kita pabagsak---palapag saaking kama----"
"Ano?! Ako na nga ang nahimatay tapos binagsak mo pa ako sa kama mo?!"inis kong sigaw, muli nanaman tuloy nagsalubong ang kanyang kilay.
"Fine, sige ipagpatuloy mo yung sinasabi mo" Saad ko at nahuli ko pa siyang palihim na umirap saakin bago magsalita.
"Hindi kita pwedeng buhatin palabas ng aking silid dahil makikita iyon ng aking pamilya at pamilya nila Grasya, kaya't mas minabuti ko nalang na makasama ka sa aking silid---"
Bigla akong napaubo dahil ron kaya napatigil siya. What the--
"Ayos ka lang?"
Tumango ako at sinenyasan siyang magpatuloy.
"Iniwan kita saglit saaking silid at tinawag si Federico upang tignan ang kalagayan mo ngunit pagbalik namin ay 'di ko inaasahang naroon si Grasya at gulat na nakatingin saakin, malamang nagsumbong siya at patangis-tangis pa...iyon tuloy ay nagalit sila Don Juanco at sinabing hindi na matutuloy ang kasal hahaha---"napatigil siya sa pagtawa nang maaalala niyang hindi dapat pinagtatawanan ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)
Historical Fiction[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Fo...