KABANATA 30

2.2K 132 72
                                    

Minulat ko ang aking mata nang masilayan ang mga taong nagtatakbuhan sa gitna ng salitang pagpapaputok ng baril. Ngunit bakit...bakit hawak ni Don Teodoro ang baril?

Nasa likuran niya si Miguel na halatang gulat sa pangyayari.

Bago pa magsalubong ang kilay ko ay agad akong natinag dahil sa mas malalakas at salitan ng mga pagputok.

Tila nabuhayan ako ng loob nang makita sa bubong ng bawat bahay ang mga taong naka kamiseta at salakot na siyang palatandaan ng samahan nila Mang Tenyong. Sila ang umuubos sa mga sundalo!

Napangiti ako, kahit kailan ay hindi ka magagawang iwan ng tunay mong mga kakampi.

Naramdaman ko na ring iisa na lamang ang sundalong nakahawak saakin, naging sapat ang lakas ko upang magpumiglas sakaniya at buong lakas na sinapak sa mukha dahilang upang maagawan ko siya ng baril.Ganon nalamang ang gulat ko ng tumumba sa harapan ko ang sundalong iyon!

Hindi ako makapaniwala! May binaril ako! Marunong na akong bumaril!

Akala ko tuluyan ng mabuhayan ang loob ko ngunit biglang nahagilap ng aking mata si Samuel na humahagulgol yakap ang isang lalaking pamilyar.

Agad akong tumakbo palapit sakaniya, habang mas lumalapit ay mas nagiging klaro saakin ang mukha ng yakap niya.

"Samue-" Agad akong napatigil ng makita kung sino ang yakap-yakap niya. Tila tumigil ng ilang segundo ang pintig ng puso ko.

Parang nanigas ang tuhod ko habang nakatitig kay Samuel. Ang sikip sa puso ngunit ni isang butil ng luha ay walang lumabas saakin, marahil ay dahil sa pagkabigla ng sobra.

"Padre!! " Sigaw ni Samuel dahilan upang bumalik ako sa katinuan. Pilit niyang inaalog ang katawan ni padre Dominggo.

Bumagsak ang balikat ko. Sinubukan kong tumakbo palapit sakanila ngunit tila'y nanlalambot ang katawan ko, animo'y anumang oras ay bibigay na dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng puso.

Pinilit kong maglakad palapit kay Samuel. Magkahalong kaba, takot, galit at sakit ang nararamdaman ko.

"A-anak... " Bagama't nanghihina ay pinilit pa rin ni padre Dominggo ang magsalita dahilan upang mas lalong sumikip ang dibdib ko.

Hindi pa nalalaman ni Samuel ang lahat...

"Padre! Huwag kayong bibigay! Ipapagamot ko kay-" Pumwersa si Samuel upang buhatin si Padre Dominggo ngunit agad nagsalita ang pari.

"A-anak. .. "Napatigil si Samuel at kunot noong tinignan ang mukha ng padre.

"Padre-"

"S-samuel... A-ako..." napatigil si padre Dominggo at bumagsak amg sunod sunod na luha sakaniyang mata.

"A-ako... Ang A-ama mo---"Muling pinilit ni Padre ang huminga.

Lumuwag ang hawak sakaniya ni Samuel, mahina na si Padre ngunit buong natitirang lakas ang binuhos niya upang abutin ang mukha ni Samuel, hinawakan siya ni Padre Dominggo sakaniyang pisngi.

"A-anak, n-nais kong malaman mong... Mahal kita, patawad-"

"Padre! "Sigaw ni Samuel ng tuluyan ng malagutan ng hininga ang ama.

Unti-unting ipinikit ni Padre ang kaniyang mga mata kasabay ng pagpatak ng luha.

"H-hindi!"Wika ni Samuel at hinanapan ng pulso ang tatay. "Ama! ikaw ang Ama ko! HUWAG! Paki-usaap!" Sigaw ni Samuel habang pinipilit na gawin ang lahat ng alam niya upang iligtas ang ama.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ring bumagsak ang aking luha habang hawak sa braso si Samuel.

"Ama! gumising ka! "

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon