❦
"NAGPAHATID ng makakain si Señor Miguel kanina at ako ang kaniyang inutusan! Napagmasdan ko na ang kanyang silid! matagal ko pa siyang natitigan at sadyang napakaguwapo nga niya!" kinikilig na kwento ni Danaya saakin.
"Napaka ganda talaga ng mga ngiti ni Señor Miguel! Nakakabihag ng puso!!"dagdag niya pa.
Napatitig nalang ako sakaniya habang siya ay umiikot pa sa harap ng salamin na animo'y nagiilusyon ng kung ano-ano sa pagitan nila ni Miguel.
Halos tatlong oras lang marahil ang tulog ko dahil sa kaiisip sa mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay sumisikip pa rin ang puso ko tuwing naiisip ang mga salitang binitawan ni Miguel at Samuel saakin.
Totoo ngang may pag tingin ako kay Miguel, siguro ay dahil na rin sa magiliw at mabait niyang pakikitungo saakin ngunit habang tumatagal ay parang nagbabago ang lahat.
Iniisip ko kung anong balak gawin ni Miguel kapag hindi siya ang pinili ko. Sa totoo lang, deserve niya naman piliin, eh. Kaya ko namang turuan ang puso ko upang ibigin siya pero nang dahil sa huling salitang binitawan niya kahapon ay parang naglaho sa paningin ko ang lahat ng kabutihan niyang pinamalas.
Gayumpaman, umaasa pa rin ako na siya pa rin ang Miguel na nakilala ko at sana'y sabihin niyang nadala lang siya ng kaniyang galit.
"Ikaw Felicia?" Tanong saakin ni Danaya dahilan upang magbalik ako sa katinuan.
"Ha?"
"Kerida ka ba ni Senyor Samuel?" Tanong niya dahilan upang magsalubong ang kilay ko.
"Biro lang, hahaha!" Bawi niya sabay tawa at nagpaalam lumabas.
Naiwan naman akong tulala. Kahit pa biro niya lamang iyon ay para akong nasaktan sa salitang kerida, wala naman kaming relasyon ni Samuel ngunit sa mata nila ay isa akong kabet.
Tumayo ako at inayusan ang aking sarili upang kahit papaano ay magmukha akong presentable.
Napahawak ako sa tapat ng aking puso.
Napalapit na ako kay Miguel, magbago man siya, may parte pa rin siya saaking puso.
Habang si Samuel...
Napatitig ako sa'king sarili sa Salamin. Isa lang naman akong dukha sa panahong ito. Bakit sa kabila ng paghihirap ko sa kabuhayan rito ay kasabay rin ng paghihirap ng aking puso?
Napahinga ako ng malalim, ngayong alam ko na ang lahat... Ang tungkol saamin ni Samuel sa una kong buhay, mas mahihirapan na akong paalisin siya sa puso kong unti-unti na niyang sinasakop... ulit.
Sinuklay ko ang aking buhok.
Sa pagkakataong ito, gusto ko ng itama ang lahat. Pakiramdam ko, akong ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung walang Felezita o Felicia sa mundong ito...wala sanang gulo.
Hindi ko kailangang mag desisyon kung sino ang pipiliin.
Pareho ko nalang silang papalayain.
HAPON na at kinakailangan na naming magluto.
"May mga kamatis na tanim sa likod ng mansyon. Felicia...maari ka bang mamitas?"Tumango ako at agad na kumaha ng basket upang lalagyan ng kamatis.
Menudo kasi ang niluluto ng iba at nagkulang ang mga kamatis na dinidikdik kaya kailangan kong mamitas.
Samantalang sa modern tamang bili lang ng tamato sauce or tomato paste e.
"Felicia." Gulat akong napalingon sa pinagmulan ng boses.
Si Miguel. Seryoso siyang nakatingin saakin ngayon.
BINABASA MO ANG
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)
Historical Fiction[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Fo...