KABANATA 23

1.7K 126 69
                                    

"ANG lalaking ito ay isa ring tulisan!" umalingawngaw sa paligid ang sigaw na iyon. Napahinto ako at napapunas ng nagsisitulong pawis saaking noo, pinaghalong kaba at pagod ang linalakas ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa harapan ng Fort Santiago, hindi ko pinansin ang bihag dahil natuon ang atensyon ko kay Samuel.

Walang nababakas na takot o inis sa mukha niya...para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.

Napatingin ako sa mga guwardia Civil, nagsalubong ang kilay ko dahil sa lalaking nasa gawi nila. Si Miguel, seryoso lang itong nakatingin sa kapatid.

Agad ulit akong tumakbo papalapit at halos itulak ko na ang mga taong nakaharang habang pinapanood ang eksena.

"Sabihin mo!Sino ang pinuno ng inyong samahan?!" umalingaw-ngaw ang sigaw, ang boses ng Gobernador Heneral.

Hawak ng mga guardia civil ang lalaki na nakagapos, nakaluhod ito at puro dugo ang mukha at damit. Sa palagay ko ay pinahirapan na nila itong paaminin ngunit nagmatigas ito kaya naging ganiyan ang kalagayan.

"Hindi mo sasabihin?!" galit na sigaw ng Gobernador Heneral.

Unti-unting umangat ang ulo ng lalaking iyon, nangunot ang noo ko...wala akong maalalang ganiyang mukha sa samahan.

"Ngayon sabihin mo!" utos sakanya.

Hindi. Hindi niya maaring idawit ang samahan lalo na ang pinuno. Hindi niya pwedeng idamay sila Mang Tenyong!

Napatingin ako kay Samuel na kunot noo at salubong ang kilay na ngayong nakatingin sa bihag, nagtataka rin siguro siya kung bakit hindi pamilyar ang mukha ng lalaki sa samahan.

Lumapit ulit ako upang lalong masilayan ang mukha ng lalaki, habang lumalapit mas kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Parang may iba't-ibang ideya ang nasa isip ko na hindi ko maipaliwanag.

Nang makalapit na, nagsalubong ang kilay ko.

Hindi ako nagkakamali! Isa akong nursing student at alam ko ang itsura ng totoong dugo sa hindi!

Totoo ang dugong ito ngunit hindi mula sa tao.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nagbalik ako sa katinuan nang tadiyakan ng isang kawal ang tagiliran ng bihag.

"Magmamatigas ka pa!—" saad nito at muli nanaman sanang tatadiyakan nang magsalita ito ng hirap.

"S-sasabihin ko na!" Sigaw ng bihag.

Mas lalo akong kinabahan, namamawis na rin ang kamay ko dahil sa takot at kaba.

Napatingin ako kay Samuel na ngayon ay napaigting ng panga habang nakakuyom ang kaniyang kamao na itinatago niya sa kaniyang likuran. Mukhang may ideya siya sa nangyayari. Alam ko ring may mali.

Napalingon ako sa paligid, ni isa sa mga kasapi sa samahan ay hindi ko makita.

Lumawak ang ngiti ng Gobernador Heneral, napatingin ako kay Miguel na napangisi rin. Hindi ko alam ngunit may kakaibang dating saakin ang ngising iyon.

"Sino ang inyong pinuno?!" tanong ng gobernador heneral.

Sa pagkakataong iyon ay halos hindi ako ako makagalaw sa kintatayuan ng dahan-dahan niyang tapunan ng tingin si Samuel.

"Ang Heneral Lopez"











"HUMINAHON ka, hija! Hindi tayo makakabuo ng plano kung puro ka salita" buong sikap ang pasensyang binibigay saakin ni Mang Tenyong habang sinusuway ako.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Bukas, iaabot sa korte Suprema ang kaso, duon natin malalaman ang magiging kalagayan ng Heneral. Maging ano man ang desisyon o hatol ng batas, itatakas natin siya" wika ni Mang Tenyong.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon