KABANATA 13

2.5K 158 94
                                    

NAGLALAKAD kami ni Elina ngayon sa plaza, nagpaalam kami kay Mang Tuding at Aling Panyang na mamasyal lang muna kami at bibili ng makikitang kung ano sa paligid.

May tig sampong pisong salapi kami ni Elina at ang isang piso ko ay nagastos ko na sa Siomai na nadaanan namin kanina sa pwesto ng tindahan ng mga intsik.

"Ate, bagay po ba saakin?" tanong ni Elina na suot-suot ang nagustuhang silver na payneta. Narito kami ngayon sa bilihan ng mga mumurahing accessories.

"Mas bagay sa'yo ito, bagay sa kulay ng iyong balat" saad ko at kinuha ang asul na payneta na nadedesenyohan ng sapira. Marahan kong inalis ang silver na payneta sakaniyang buhok at ipinalit ang asul. "oh,  diba?" Sambit ko at hinarap siya sa salamin. Ngumiti naman siya at tumango.

"Bibilhin ko po ito" ngiti niya sa tindera. "Limang piso, binibini" magiliw na tugon ng ale. Agad inabot ni Elina ang bayad.

"Ikaw ate?" tanong niya saakin kaya napailing nalang ako. Hindi ko trip mag suot ng ganiyan.

"Saan tayo sunod na tutungo? "tanong ko dahilan para mapaisip siya.

Napatingin siya sa orasang nakakabit sa kabilang tindahan, alas- sais na ng hapon.

"Panoorin natin ang unang dula sa teatro,  ate!" suhestyon niya dahilan upang mapangiti rin ako sa ideyang 'yon.

"Magkano ba?"tanong ko dahilan upang matahimik siya. Napayuko siya at ngumiwi. "Pitong piso, wag nalang po pala" aniya at malungkot na napabuntong hininga. Napatingin naman ako sa salapi ko at mayroon pa akong siyam na piso.

"Manonood tayo" ngiti ko sakaniya.

Nabuhayan naman ang mata niyang tumingin saakin "Po?"

"Libre ko na ang dalawang piso sa iyo" Saad ko sabay tango.

"Talaga ate?! Dahil diyan ako ang maglilinis, magluluto at maghuhugas ng pinagkainan mamaya!" Tuwang-tuwa niyang tugon at napayakap pa saakin.

Napa iling nalang ako at yinakap siya pa balik, bigla ko tuloy namiss si Bea, kahit hindi siya ganto kabait na kapatid ay nakakamiss pa rin ang kadaldalan niya.

MADILIM ang buong paligid, sa pinaka  likod ang upuan namin ni Elina. Nasa dalawampu ang upuan ang bumubuo sa teatro.

Nag umpisa nang buksan ng mga manonood ang kanilang mga miryenda ng mag bukas ang ilaw sa stage. Nagkatinginan naman kami ni Elina at sabay natawa dahil manonood lang kami, ayos lang naman. Mata naman ang gagamitin sa panonood kaya ba't pa namin kailangan ng pagkain?

Ilang sandali pa'y bumakas na ang pulang kurtina ng teatro, nagkaroon na ng ilaw sa gitna kung saan pinapakita ang dalawang bida.

Tungkol sa magkababatang lalaki at babae ang palabas, sabay silang lumaki hanggang sa mahulog ang loob ng babae sa kaibigan niya.  Nagbago ang lahat ng may mapusuang ibang babae ang kaibigan niya at dahil ron ay lumayo siya rito. Nakakaiyak man sa gitna ngunit happy ending rin naman. Napatingin ako kay Elina na ngayon ay kinikilig, wala pa yatang balak lumabas ng teatro.

"Ate, balak ko po munang masilayan ang mga aktor lalo na yung ginoo!" kinikilig na saad ni Elina na ang tinutukoy ay 'yung leading man sa storya. Nasa backstage yung mga aktor at kinakamayan sila ng mga nanood.

Tumango ako kay Elina. "Sige,  doon muna ako sa labas" ngiti ko sakaniya.

"Salamat ate!" aniya at excited na pumasok sa backstage. Lumabas na ako ng teatro, kung tutuusin wala akong naintindihan sa storya, na gets ko lang ang flow sa huli pero 'di ko man lang naramdaman,  busy kasi ako kaka-imagine kay Miguel na kunwari siya ang kasama ko sa teatro,  eneeebe!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon