KABANATA 24

1.5K 109 36
                                    

TAKBUHAN, sigaw at kaguluhan ang namayani sa Bagumbayan bago namin iyon lisanin.

"Saan ta'yo tutungo?" tanong ni Samuel sa aking likuran, kahit papaano ay marunong akong magpatakbo ng kabayo kung kaya't inaalalayan nalamang niya ako dahil hindi ako sanay sa mabilis na pagpapatakbo.

Nanghihina pa rin siya at ngayon lang nakuhang magsalita.

Napahinga nalang ako ng malalim at hindi siya sinagot. Pinatakbo ko ng mas mabilis ang kabayo.

*****

"SAAN niyo nakuha ang salapi?" tanong ni Samuel at bahagya pang umubo.

"Kay Valencia-Donya Valencia at Don Teodoro" Maikli kong sagot.

"S-sino ang bumaril sa gobernador-"

"Ang iyong ina" Nanlaki ang mata ni Samuel, animo'y hindi lubos akalain ang nangyari at nalaman.

Sa sandaling iyon ay naalala ko ang tagpo kahapon.

"Wala akong magawa...Wala ring magawa ang samahan, hindi ko na alam ang gagawin..." Nakikinig lamang si Federico saakin habang ako'y tumatangis, luhaan na rin siya ngunit mas pinili niyang tumahimik.

"May paraan pa." aniya, pinunasan ko ang aking luha at napatingin sakaniya.

"Ito nalamang ang natatanging paraan."

"Ano?" Hindi na siya nagsalita pa at sinenyasan nalamang akong sumunod sakaniya.

Huminto kami sa pintuan ng silid ni Valencia.

Napabuntong hininga muna si Federico bago ito kumatok.

"H-huwag kayong magtatangkang pumasok rito." Maotoridad na utos ni Valencia, bagama't pumipiyok ang boses niya dahil sa pagpipigil ng emosyon.

Kalat na sa buong bayan ang magiging hatol na kamatayan sa Heneral.

"Kailangan namin ang iyong tulong" tugon ni Federico na may halong pagmamakaawa ang boses. Hindi ko alam kung bakit siya nanghihingi ng tulong kay Valencia, gusto ko sanang itanong ngunit mas pinili ko nalamang na manahimik.

Ilang sandali pa ay binuksan ni Valencia ang pintuan, napatingin siya saglit saakin at muling tumingin kay Federico.

"Wala akong maitutulong-"

"Paki-usap...ito nalamang ang natatanging paraan" nagsimula ng pumiyok ang boses ni Federico. Walang nagawa si Valencia kundi mapahinga ng malalim bago kami papasukin sa loob ng kaniyang silid.

Nagaalangan rin siya kung papapasukin ako ngunit agad na akong pumasok kahit wala siyang pahintulot.

"Ang Mauser" Maikling tugon ni Federico, mukhang nakuha naman iyon ni Valencia at napatitig sandali kay Federico, sandali pa silang nagtitigan.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaguusapan nila ngunit alam kong isang uri ng baril ang tinutukoy ni Federico.

"Nakikiusap ako...tulungan mo ako, kahit sa sandaling ito patunayan mong mabuti kang tao, pagkatapos ay handa na kitang patawarin" Nagumpisa ng humagulgol si Federico.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon