KABANATA 22

2K 131 72
                                    

MATAPOS ang misa na pinangunahan ni Padre Dominggo, agad akong pumunta sa isang pasilyo dito sa simbahan upang makipag kita ng lihim kay Samuel.

"Ano ba kasing gagawin natin dito?"

Ilang minuto pa ay binatawan na niya ang kamay ko mula sa pagkakahila. Huminto siya at humarap saakin.

"Wala lang" ngiti niya.

Ilang segundo ko pa siyang tinitigan nang hindi maipinta ang mukha. Ngunit imbis na mainis nahawa rin ako sa kanyang ngiti.

"Bakit nga? mamaya may makakita—"

"Wala kasing nangangahas na pumunta rito, kaya dito kita dinala" sagot niya.

"Dito?" nilibot ko ang mata ko sa paligid. "Anong gagawin natin dito?" Napakamot siya sakaniyang batok at sinimulan nanaman akong hilain. Bigla tuloy akong kinilabutan na baka may gagawin siyang kababalaghan saakin sa damuhan. Ganoon ang mga nababalitaan kong chismis ng mga tigang na estudyante noon sa school, eh! Wala silang pang hotel kaya sa gilid-gilid sila nagpapaputok!

Umiling ako sa sarili kong isip at tumikhim muna.

"Akala ko duon?" sambit ko saka siya inirapan kahit 'di naman niya kita.

"Samuel naman, eh!Kanina mo pa ako hinihila para naman akong bata—"

"Dito" bigla akong napahinto.

"Nasaan tayo?" Nilibot ko ng tingin ang lugar, mukhang malayo na siya sa simbahan pero ang bilis naman naming naglakad kung ganon!

Madaming puno, halaman at bulaklak. Sariwa rin ang hangin, tanging huni lang rin ng ibon at  malakas na agos ng ilog ang naririnig.

Nakakarelax! Ang sarap mag instrumental dito, magfeeling diwata na aakit ng manlalakbay na pogi gamit ang tunog ng plawta. char!

"Naroon ang simbahan, likod niya lamang ito ngunit hindi halata dahil sa matatayog na puno" natatawa niyang paliwanag dahil mukha na yata akong mababaliw sa isiping naligaw na kami. Napatingin naman ako sa tinuro niya at natanaw ko ang cross sa tuktok ng simbahan.

Ang ganda naman dito!sayang wala akong camera edi sana nakapagpicture ako hehe.

Sandali kong pinagmasdan ang paligid nang matanaw ko ang isang tulay, medyo malayo mula rito.

"Duon tayo nagkita sa pangalawang pagkakataon" naramdaman ko si Samuel sa tabi ko, mukhang ang tulay ang tinutukoy niya na siyang pinagmamasdan ko.

Narinig ko naman ang pagtawa niya, sa totoo lang ay hindi ata gumagana ang isip ko at napapansin kong ang slow ko ngayon kaya lagi niya akong pinagtatawanan. Lagi nalang kasi akong natutulala sa ngiti niya.

"Noong sinalakay kami ng mga rebelde, nandiyan ka sa gitna ng tulay at parang isang hibang na tinatawanan pa kami" bahagya pa siyang natawa at napailing-iling.

Naalala ko na nung inakala ko pang nasa eksena ako non at may shooting pambihirang---sino ba naman kaseng mag aakalang magkakajowa ako dito—este  magtatime travel ako dito?!

"Iyon din ang araw na ikaw ang nag gamot saaking sugat at nahawakan mo ang aking—"

"Hoy! hindi, ah! Hindi ko nga alam na may six pack sparkeleng yummylicous abs ka, e!" pagdedepensa ko!

Tsaka hindi kaya 'yun yung araw na nakita ko ng bongga abs niya!

"Abs?" Bigla niyang tanong kaya napatampal ako sa sariling noo.

"Wala yon, walang hiya!—"Nahinto ako ng maramdaman ang malamig niyang titig."B-bakit?" Agad kong tanong, Hala!baka nagalit siya dahil sinabihan ko siyang walang abs!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon