"SAMUEL!"
Napahinto si Samuel sa sigaw ng kaniyang kapatid na humahabol mula sakaniyang likuran, hindi pa rin siya lumilingon.
Mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko ng unti-unting humarap saamin si Samuel, magkaka layo kami ng tig lilimang hakbang.
"Nagkakamali ka ng iniisip, kapatid"Saad ni Miguel at nilabas ang kaniyang pormal na ngiti.
Kitang-kita ko ang pag galaw ng panga ni Samuel habang nakatitig siya sa lupa.
Sumulyap siya kay Miguel na siyang nagpa kilabot sa'kin dahil sa dilim ng kaniyang mga matang nagtatago sa natural na pagkaseryoso.
"Kung gayon maaari ko ba siyang makausap?" Tanong ni Samuel.
"Kausapin mo lamang siya---" sabat ni Miguel ngunit hindi niya ito natapos dahil agad nagsalita si Samuel.
"Nang kaming dalawa lamang" dagdag nito.
Napatingin saakin si Miguel at marahang tumango ng hindi inaalis ang tingin saakin.
"Walang tao sa silid- aklatan, naroon si Grasya" wika pa ni Samuel bago niya hilain ang aking pulsuhan kaya agad akong napasunod sakaniya.
Ang bilis niyang maglakad at napaka higpit ng hawak niya sa pulsuhan ko kaya pilit kong inaalis ang kamay ko sakaniya.
Nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya.
"Saan mo ba ako dadalhin---"
"Makinig ka!" Napahinto ako sa biglaang pag sigaw saakin ni Samuel, halos tumuwid na ang kilay niya sa sobrang salubong nito, madilim ang kaniyang mata at magulo ang buhok. Ngayon ko lamang siya narinig na sumigaw ng ganon kaya agad umurong ang dila ko, madalas ko siyang makitang galit pero ni minsan ay 'di niya ako sinigawan ng ganto.
Walang kurap akong nakatitig sakaniya at unti-unting bumaba ang tingin sa pulsuhan kong mahigpit niyang hawak.
Dahan-dahan niya iyong binitawan
Napahawak ako sa aking pulsuhan dahil sa bakat ng kaniyang kamay na halos maiwan ang palad niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin kanina.
Napatingin ulit ako sakaniya at medyo umaliwalas na ang kaniyang mukha, nakatingin siya ngayon sa'king palapulsuhan.
"P-paumanhin, hindi ko ibig na masaktan ka, patawa--"hindi ko na siya tinapos sa pag s-sorry niya, para saakin walang kwenta ang paghingi ng tawad....para saan pa iyon kung nasaktan ka na?
"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin" tugon ko, ilang segundo ngunit hindi siya nagsalita.
"Aalis na ako" saad ko at akmang tatalikod ng humabol siya.
"Sandali..." Aniya at humakbang ng isang beses palapit saakin.
"H-huwag ka ng lalapit kay Miguel, pakiusap" Saad nito at napayuko.
"Bakit?"walang emosyon kong tanong.
Anong karapatan niya para diktahan ako?
Kung inaakala niyang magpapakumbaba nanaman ako sa kasungitan niya edi pataasan ng pride, sinira niya ang masaya kong gabi. Nawala tuloy ako sa mood.
Isa pa, kahit hindi niya naman sabihin ay hindi na talaga ako lalapit kay Miguel. Pakiramdam ko lang ay para akong bobong inutil na kailangan niya pang idikta saakin ang dapat kong gawin.
"May iba siyang iniibig" Seryoso niyang wika saakin kaya agad naman akong natawa kunwari.
Lalayasan ko na sana siya ng hawakan niya ulit ang aking pulsuhan.
BINABASA MO ANG
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)
Fiction Historique[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Fo...