❦
NASA kulungan at selda kami ng lalaking muntik ng dumakip sa'kin kanina.
Nakaposas pa kaming pareho, ni hindi ko rin alam kung bakit rin ako nakaposas dito! ako na nga 'tong nahostage kanina tapos ako pa 'tong isang nakulong!
Napairap ang mata ko, hindi ko akalaing tanga- tanga rin pala ng Heneral na iyon.
Teka asan ba yung hilaw na kastilang iyon?
Maraming Guardia Civil na nakapalibot sa bawat selda ng kulungan. Madilim ang bawat sulok at tanging mga sulo lang ng apoy ang siyang tumutulong upang magkaroon ng liwanag sa paligid. Ang narinig ko kanina bago kami ikulong, ang kulangan ito raw ay baba ng kwartel ng mga Guardia Civil. Kaya napaka dilim. Wala ring ventilation kaya ang init at paramg sinisinghot ko lang amg sarili kong hininga.
"Heneral" Saad ng isang guardia Civil at sumaludo.
Agad akong napatingala upang tignan kung sinong heneral ang dumating.
"Déjame esto a mi.(leave it to me.)" Saad ng heneral, hindi ko pa rin maaninag kung siya ba iyon. Isa pang nakaka iyak ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
What if cinocommand na niyang patayin ako?
Bigla ko tuloy naaalala ang bamta niya noong ginamot ko siya! Napapikit ako dahil sa frustration at humawak ng mahigpit sa rehas.
Sunod-sunod namang umalis ang limang guardia civil sa tapat ng selda
nung lalaking nanghostage saakin kanina.Ngayon, ako nalang ang may bantay na tatlong guardia.
Napasimangot tuloy ako, paano na yung trabaho ko niyan?
Liningon ko ang lalaki sa kabilang selda na nakaposas ang kamay pataas at nakaluhod sa sahig.
"Susi" sambit ng heneral dahilan upang maaninag kong tuluyan ang mukha niya. Ang batang heneral nga.
Agad namang lumapit sakaniya ang isang Guardia sibil upang i-abot ang susi ng seldang kinakukulungan ng lalaki.
May edad na ang lalaki , mga nasa 40's na siguro. Naawa tuloy ako sa sinasapit niya ngayon, pero hindi ko naman siya pwedeng kaawaan ng husto dahil mali pa rin ang ginawa niyang pagtutok ng kutsilyo sa inosenteng tulad ko.
Bigla nanaman akong nalungkot ng makita na sobrang nangangalay na sa pag ka-kaposas ang kaniyang kamay pataas, naalala kong sila nga pala ang tinataguriang bayani sa panahon ko dahil buong puso silang lumaban sa mga kastila mabawi lang ang Bayan, syempre ayon 'yun sa kasaysayan.
Pero mali parin yung panghohostage niya e!
Bigla nanaman akong nainis sa heneral!
Bakit ko pa kasi kailangan maikulong din? At nakaposas pa ako! 'diba dapat tinatanong nila kung ayos lang ang kalagayan ko?! Ang sama-sama tuloy sa kalooban na ikaw na nga 'tong nahostage tapos nakulong ka pa.
"Sino ang inyong pinuno?" Dinig kong tanong ng Heneral sa manong at bahagya pang naupo sa kaharap nitong lamesa, naka-de kwatro pa siya na animo'y isang bigboss sa isang sindikato at ang kaharap niya ngayon ay siyang kalaban niya sa ilegal niyang negosyo. Pero infairness, ang guwapo niya sa anggulo na nakikita ko.
Hindi sumagot Si Manong.
"Uulitin ko, sino ang inyong pinuno?" tanong muli ng heneral sa mas malinis ngunit mas mariin na tono.
Matapang siyang tinignan ng manong sa mata, animo'y walang mababakas na takot sakaniya habang kaharap ang heneral.
"Wala kang makukuhang impormasyon sa'kin, alam mo 'yan. Hindi kami katulad ninyo na ihuhulog sa bitag ang kasama upang mailigtas ang sarili at upang mapataas ang ranggo" tugon ng lalaki at nginisian ang heneral.
BINABASA MO ANG
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)
Historical Fiction[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Fo...