KABANATA 27

1.6K 99 16
                                    

NAGSASALOK kami ng tubig sa balon. Hirap na hirap akong hilain ang tali pataas at kunin ang balde ng tubig. Tagaktak na rin ang pawis ko at masakit na sa balat ang sinag ng araw.

Sandali akong napatitig sa mga kababaihang kasama ko.

Paano ba nila nagagawang maging malakas ng ganiyan?

Kung sabagay, kailangan talaga nilang maging masipag sa panahong ito dahil wala silang aasahang kahit anong teknolohiya.

Napatingin ako sa ibang babae at na tinutulungan ng kani-kanilang mga ginoo.

Teka nga, nasaan ba kasi si Samuel?

Inis kong hinawakan ang balde at pumwersa upang buhatin ngunit biglang may humawak sa kamay ko dahilan upang mabitawan ko iyon.

"Ako na" ngiti ni Luicio.

Akala ko naman si-

"Ako na" agad akong napatingin kay Samuel ng tabigin niya ang kamay ni Luicio na nakalahad saaking harapan.

Napawi ang ngiti ni Luicio at tumalim ang titig kay Samuel.

Napalunok ako ng ilang beses at binitawan ang balde ng tubig sa harapan ko. Nag unahan silang dalawa ngunit mas pinalad si Samuel.

Napatingin ako sa mukha ni Samuel na walang mababakas na emosyon.

Nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa lupa at nasa harapan ni Luicio na ngayon ay hindi pa umaalis sa daraanan namin, animo'y balak pang makipag matigasan kay Samuel.

"Ah Samuel...Tara! " Agad kong hinila si Samuel sa braso ngunit hindi siya nagpatinag!

Dahan-dahan siyang tumingin sa mukha ni Luicio ng seryoso, binasa niya ang kaniyang labi bago ngumiti ng tipid at tapikin si Luicio sa balikat nito.

"Huwag ka nang mag abala pang tulungan ang aking sinta, responsibilidad ko siya .Sa ibang babae ka magpaka ginoo" wika ni Samuel gamit ang pinaka mahinahong boses bago lagpasan si Luicio. Bahagya niya pang inakbay ang isang kamay saakin ng maglakad kami paalis dahilan upang mapalunok ako ng ilang beses.

"Hoy! Huwag mo nga ginaganon si Luicio! "Sermon ko ng makalayo kami.

Inalis ko ang nakaakbay niyang kamay at kunwari siyang tinapunan ng inis na tingin!

Bigla siyang huminto at nilapag ang balde."Bakit? "salubong ang kilay niyang tanong.

"Anong bakit?! "tanong ko rin sakaniya.

Bahagya naman niyang iniwas ang tingin at napalunok ng dalawang beses bago ulit hawakan ang balde.

"Teka nga! "Hinarangan ko ang harapan niya gamit ang aking palad, nangunot ang kaniyang noo at tumingin sa kamay kong nakaharang sa daanan niya.

"Nagseselos ka ba?" Tamong ko at pinagsingkitan siya ng mata.

"A-ano ba ang iyong sinasabi? "utal niyang saad at pinilit alisin ang kamay ko kaya agad akong tumakbo sa harapan niya.

"Teka! Tinatanong pa kita! Nagseselos ka, noh?!" Tanonv kong muli at hindi napigilan pang matawa.

"B-bakit naman ako makakaramdam ng paninibugho? "kunwaring walang pakialam niyang saad.

"Ah di ka nagseselos? edi pwede pa rin siyang lumapit saakin-"

"Hindi maari! "bahagya akong natahimik.

Katahimikan.

Sampung segundong katahimikan.

"HA HA HA HA! nagseselos ka nga!Samuel nagseselos ka!" sunod-sunod kong tawa! Hindi ako makapaniwalang marunong palang mag selos ang isang 'to!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon