KABANATA 6

2.9K 198 91
                                    

UMAWANG ang labi ko nang makita kung sino ang nasa labas.

Ang kolonel!

"Magandang umaga, binibini" bati nito saakin at nag-bigay galang sa pamamagitan ng pagyuko at pag tapat ng sombrero sa dibdib.

Napalunok ako at ngumiti ng hilaw.

"Magandang umaga rin. U-uh, g-ginoo? "
Alanganin kong tugon, naiilang ako sa pag bamggit niyon.

Ano na nga ba kasing pangalan ng lalaking 'to?

Miguel?

Oo Miguel nga---yata.

Pumasok na si Miguel at nagbigay galang kila Aling Panyang. Pina-upo siya ni Aling Panyang at pinagtimplahan ng kape. Maglalakad na sana ako para bumalik  sa aking ginagawa ngunit tila tumindig ang balahibo ko ng may magsalita sa labas ng pintuan.

"Pasok ka, heneral" halos bumagsak ang panga ko ng bumungad sa pinto si Mang Tuding kasama si SAMUEL!

"Magandang umaga" pormal niyang bati saamin, napatingin pa siya saakin ngunit agad ring nag iwas na para bang walang pakialam sa'king presensya.

Nagkatinginan naman sila ng kolonel na parang nagulat pa sa presensya ng isa't-isa.

"Napadalaw kayo mga ginoo?" magiliw na tanong ni Aling Panyang.

"Sa katunayan ay napadaan lamang kami ng Heneral, nais niyang pumunta sa bayan upang bumili ng libro para sakaniyang kasintahan ngunit bigla siyang napa daing, kumirot pala ang kaniyang sugat kaya't mas minabuti ko ng dalhin siya rito upang tignan ni Felicia...mas malapit kasi rito kaysa sa bayan" paliwanag ni Mang Tuding.

Ibig sabihin gagamutin ko nanaman siya?may bayad na ba 'yon? E, ang sama niya kaya saakin kahapon! What if lasunin ko siya?

Sunod-sunod ang paglunok ko dahil sa isiping mahahawakan ko nanaman ang abs niya.

"Ganoon ba? Kung gayon ay magpahinga ka muna rito, heneral" alok ni Aling Panyang kay Samuel sa isang silya, napatitig nalang ako sandali sa heneral na tuloy-tuloy lamang sa u-upuan.

Napansin ko naman ang pasimpleng pag kurot ni aling Panyang sa tagiliran ng kaniyang asawa at bumulong ngunit narinig ko lang rin dahil bukod sa literal na tsismosa ang aking tainga, malapit ang kinororoonan nila sa'kin.

"Nasaan ba ang utak mo, Tuding?" Tanong ni Aling Panyang, bagaman mahina ang kaniyang boses ay mariin ito at parang galit.

"Ha? Bakit? Ano nanaman ba ang aking ginawa?" tanong rin ni Mang Tuding.

"Dineretcho mo nalang dapat ang heneral sa Ospital, siraulo ka talaga!" singhal ni Aling Panyang na mukhang pikon na sa asawa.

"Mas malapit nga kasi rito, bukod doon si Felicia ay—naku po!" Biglang napatakip ng bunganga si mang Tuding at unti-unting lumingon sa akin.

Agad naman akong napaharap sa kape ko at humigop kunwari. Patay malisya pa ako na kunwari hindi ko alam na may naguusap.

Napatikhim si Mang Tuding at pumagitna saaming tatlo ng heneral at kolonel.

" Humayo na ho pala tayo heneral—" panimula ni Mang Tuding ngunit agad ring naputol ng sumumbat agad ang dakilang heneral.

"Masakit na ang aking tagiliran" sumbat niya dahilan upang lihim na mapairap ang mata ko.

Nakita ko naman ang simpleng salitan ng tingin ni Mang Tuding at Aling Panyang.

Ano bang nasa isip nilang mag asawa?

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon