KABANATA 2

3.9K 240 181
                                    

Nnakaupo ako sa gitna ng tulay?!

Ba't ako nandito?

Nakatulog ba ako sa Aparador na 'yon at dinala ako ni papa dito? Imposible! Ang tanda- tanda ko na para buhatin niya, ano! Hindi pa nga kami bati, eh!

Napatayo ako at pinagmasdan ang paligid. Nasa gitna ako ng tulay na may ilog sa ilalim nito. Nasa dalawang metro ang luwang ng tulay na mukhang matibay at makaluma ang disenyo. Ang haba naman ay may kalayuan ngunit natatanaw ko ang dulo. Shet, baka gawin akong pang alay para maging matibay 'tong tulay---sabi nila, titibay raw ang isang straktura kapag inalayan ng dugo ng birhen o bata!

Nagulat ako ng marinig ang malalakas na yabag na nagmula saaking likuran ngunit mas kinasindak ko ay ang mga taong nakasakay sa kabayo na unti-unting lumalapit saakin.

Nakasuot pa sila ng kinda--- ano yan?Costume ng mga sundalo during Spanish Colonial period pa ata hahaha! Kung sineswerte nga naman.

Para akong nasiraan ng ulo dahil sa biglaan kong pag tawa nang marealize na nasa kaligtnaan pala ako ng shooting. Omg guys!

"Heneral natakasan ta'yo ng mga rebelde!"

Iyon ang malakas na sigaw na narinig ko.
In fairness, ha. Kagabi lang ay nanaginip akong nakapasok ako sa liwanag ng aparador tapos ngayon naman ay nananaginip akong nasa kalagitnaan ako ng historical film!

Pero panaginip 'to? Bakit parang totoo? Aware rin ako sa nangyayari at kaya kong icontrol ang sarili. Lucid dream ba 'to?

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang malapit na sila saakin. Ang tanga ko talaga! Ba't hindi ko man lang naisip na kailangan kong tumabi? baka mahagip ako sa camera, nakakahiya!

"Tumabi ka!" Halos tumalon ang balikat ko dahil sa mariin, malakas at makapangyarihang sigaw ng  nangungunang sundalong nakasakay sa kabayo. 

Dahil sa biglaang kaba na naramdaman ko ay para bang naestatwa ako sa gitna ng tulay at nakatitig lamang sakanila! Tumayo ka Lea, ano ba?!

Hanggang sa tuluyan ko silang matanaw sa dulo ng tulay at ilang segundo nalamang ay pwede nila akong masagasahan!

Pumikit ako ng mariin at akmang sisigaw na sana dahil mabababangga na niya ako at siguradong tatapis ako sa tulay 'pag nagkataong sinipa ako ng kabayo ngunit ilang segundo pa ay may humawak saaking pulsuhan!

"Binibini Sakay na!" Mabilis nitong sambit at bahagyang binaba ang katawan mula sa kabayo at hinawakan ako sa braso.

"Ha?" Umawang lamang ang labi ko.

Agad na akong hinila nung sundalo at tinulungan ako upang makasakay sa kabayo!

Ilang sandali pa akong natulala hanggang sa mag sink-in saakin ang lahat!

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko maiwasang 'di matuwa, naka-extra ako sa Movie, omg!

Napakumot ako nang mapagtanto kung anong klaseng itsura ang mayroon ako ngayon. Naka padjama pa ako! Kainis naman!

Ilang sandali pa ay huminto na kami at nagsi babaan na sila.

"Ayos ka lamang ba binibini? " tanong saakin ng sundalong tumulong saakin at nagtatakang napatingin sa suot ko.

"HAHAHAHA!" Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ko. Tumalon-talon pa ako sa tuwa dahil feeling ko ay artista na ako!

Napatigil lang ako na mang mapansin ang mata ng lahat na nakatitig saakin. Bukod room ay narealize ko na mahiyain pala ako sa ibang tao. Gosh, nakakahiya Lea!Nanlaki ang mata ko! Narealize kong nagshoshooting nga pala! Omg, panira ka Lea! Ayan! Sige!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon