KABANATA 7

2.6K 181 53
                                    


"W-WALA akong masamang itnensyon" wika ni Grasya na ngayon ay mahigpit na hawak-hawak ni Samuel sakaniyang pulsuhan dahilan upang maibagsak niya ang baso at mabasag iyon sa sahig.

Salubong ang kilay ni Samuel na nakatingin ng deretcho sa mata ni Grasya.

"S-siya ang nagsimula!" Sigaw niya pa at pinatay ako sa masamang tingin.

Sinulyapan ko siya at inis rin na tinignan.

Sasabat sana ako kaso naunahan ako ni Samuel.

"Nakita ko ang buong pangyayari" saad niya na siyang nagpatahimik saaming dalawa.

"Kuya, si ina" Napalingon ako sa aking likod at nakita ang binatilyong nagturo sa'kin kanina ng direksyon.

"Federico? Samuel? Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" tumataas palang ito sa hagdan ngunit rinig na namin ang kaniyang boses, wala akong ideya kung sino.

"Anong ginagawa mo kay Grasya" patuloy ng isang babaeng mala donyang kulot ang buhok, mataas ang kilay na parang iginuhit lamang, napaka lawak ng boses niya na paalon-alon ang tono. Animo'y isang kontrabida sa teleserye.

May kasama siyang tagasilbi na nakasunod lang sa likuran niya at inaalalayan ang magarbo laylayan ng kaniyang damit.

Bumaling ang tingin ng donyang iyon kay Samuel na mahigpit ang pagkakahawak sa pulsuhan ni Grasya, sunod siyang tumingin sa basag na baso.

Inutusan niya ang tagasilbi na linisin iyon.

At unti-unting lumipat ang tingin saakin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tulad ng naka iinsultong tingin saakin kanina ni Grasya.

"Sino ka naman?" tanong niya na sinabayan pa ng pag-alon ng kanyang kilay na parang nakapares sakaniyang boses.

"S-siya po ang bagong—" hindi na natapos ang sasabihin ng binatilyong iyon na tinawag niyang Federico dahil may sumabat sakanyang likuran.

"Siya po ang bagong tagaluto natin, ina" Sabat ni Miguel na hindi ko na namalayang sumulpot na rin sa pangyayari.

"At paano siya nakapasok rito?" sarkastiko niyang tanong at tinignan pa ako ng may pandidiri.

Nagsalubong ang kilay ko. Kailangan bang tratuhin ako ng ganiyan?

Napalunok si Miguel at hindi nakasagot.

"Pinagtrabaho ko siya rito upang maging bayad sa kabutihang ipinamalas niya sa'kin" biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sumabat si Samuel.

Mukha namang hindi kumbinsido ang Donya at nagawa pang taasan ng kilay ang anak. Samantalang ako ay para bang nasemento ang paa sa sahig at hindi maka-galaw. Kahit naka bukas ang aking mata at naka talikod kay Samuel ay kita ko pa rin ang pag salubong ng kaniyang kilay.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Samuel mula sa'king likuran.

"Sinalakay kami ng mga rebelde nuong nakaraang linggo, nasaksak ako sa tagiliran at siya ang nag-gamot" paliwanag niya, dahan-dahan ko siyang liningon. Gusto kong ngumiti sa isiping na appreciate niya pala ang tulong ko. Hindi ko rin inaasahan na ipagtatanggol niya ako sa ngayon. Grabe, nakakatakot ang lahi nila.

Nagsalubong ang kilay ng donya
"Paanong siya— " aniya na agad sinabatan ni Miguel.

Napangiti ulit ako ng lihim. Para akong nasa teleserye na parehong pinagtatanggol ng dalawang bidang lalaki. Assumerang froglet.

"Hindi po siya nag-aral ng medesina ngunit may kaalaman siya sa pag gagamot. Wala siyang ginawang kapangahasan, naroon ako ng gamutin niya si Samuel. Nagmabuting loob lamang siya" paliwanag ni Miguel. Sandali akong napatitig sakaniya, mula sakaniyang maamong hitsura, masasabi ko ring kapares iyon ng mabuti niyang ugali.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon