KABANATA 26

1.7K 102 50
                                    

"Aba'y sandali lamang! hindi maaring tumuloy ang hindi kabilang sa samahan" saad ng Ale na sumalubong saamin sa kampo.

"Ate Rosinda...mapagkakatiwalan ho sila." Tugon ni Aling Rosita, mukhang kapatid niya ito.

"Hindi maari" Saad naman ni Aling Rosinda at napatingin saamin.

"Aba e kung tutuloy kayo rito ay maipapangako niyo bang huwag magtaksil at handang mamatay para sa samahan?" Sunod-sunod ang paglunok ko habang nakatingin sakanya, wala ring sumagot saamin.

"Eh, kung gayon ay umalis na kayo't itikom ang bibig---"

"Sandali" Napatingin kami kay Samuel.

"Ipapangako kong maging tapat sa samahan." Seryoso niyang saad.

"Ako rin" sang- ayon ko na siyang sinabayan ni Elina, mang Tuding at aling Panyang.

"Sige, bukas ay umpisahan niyo ng magsanay sa paghawak at pag gamit ng Gatilyo at Espada"maotoridad niyang utos saamin at hinayaan kaming sumunod sakaniya.

"Mga kasama! Ang bagong sasanayin!" pagpapakilala saamin ni Aling Rosinda.

Nagsi-tigil ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa at pinagtuunan kami ng tingin.

"Sandali...Namumukhaan ko ang ginoong iyan!" Tugon ng isa at bahagyang lumapit kay Samuel.

"Ikaw nga! isa kang heneral sa Maynila!" Sigaw ng lalaki dahilan upang maalerto at mapatayo ag mga kalalakihan.

"Hindi na siya Heneral! Matagal namin siyang naging kasama nila Tenyong...handa siyang ibuwis ang kanyang buhay para saating samahan!" Napatingin ang lahat kay Aling Rosita.

"Kung gayon sanay ka na sa pakikipaglaban, siguraduhin mo lamang na hindi ka magtataksil sa samahan" saad ng lalaki habang nakatingin ng mariin sa mata ni Samuel.

Tumango si Samuel bilang tugon sakanila.

"Rosita, ipadala mo ito kay Tenyong"Agad napukaw ang atensyon namin sa Lalaking medyo may katandaan na rin.

Nagulat ako nnag tusukin niya ng patalim ang daliri at kumuha ng stick!

Ginamit niya yung Dugo niya upang gamiting pansulat! Napalinga ako sa paligid, parang normal na ang istilong iyon sakanila.

"heto, inyong gamitin" Namalayan ko nalang si Samuel na inabot ang isang pluma at tinta sa matanda. Nag aalangan pa ito ngunit tinanggap nalang rin.

*****

MAAGA palang ay abala na ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Ang iba ay nagluluto ng almusal at ang iba ay nagsasanay sa ilalim ng napakatirik na araw.

Nangunot ang noo ko nang masundan ng tingin ang mga nagkukumpulan sa malayong parte kung saan sila nagsasanay.


Naglakad ako palapit roon. Nagmadali ako sa paglakad ng makita si Elina na nag e-enjoy sa pinapanood! Humihiyaw pa siya ng "Kaya mo 'yan, Heneral!"

"Elina anong meron?" Kinalabit ko siya mula sakaniyang likuran, hindi ko kasi makita ang nangyayari dahil sa magugulong mga lalaking nasa harapan, ulo lang rin ni Elina ang nakadungaw upang makita ang palabas. Agad niya akong nilingon.

"Si Ginoong Samuel ho ay nakikipagpaligsahan!" Saad niya at hinila pa ako saka tinulak sa kumpol ng mga lalaki dahilan upang magsi tabi ang mga ito sa harapan at makita kong tuluyan ang eksena!

Nag e-espadahan si Samuel at hindi ko alam kung sinong leste yung kalaban niya pero mukhang magaling rin!

Wala man lang silang daplis ni isa. Pilit kong tinataw ang hitsura nung lalaki, sa katawan nito mukha siyang sanay sa pakikipaglaban. Matipuno ang kaniyang katawan at moreno ang kutis.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon