KABANATA29

1.7K 107 32
                                    


Ang kabanatang ito ay parang flashback lang ng lahat ng nangyari sa nakaraang chapters. Makikita rito ang kabilang kwento ng ilang tauhan.

Hindi kayang pag isahin lahat sa chapter na ito kaya't asahang may susunod pang isang kabanata bago ang epilogue.

This chapter is literally unedited dahil antok na antok na ko HAHAHA. Sorry for the wrong typos!

********

3RD PERSON'S POINT OF VIEW

Madilim ang silid. Tanging dalawang lampara lamang ang ang nagbibigay liwanag sa naturang opisina ng Don. Alas Dies na ng gabi, nasa isang sikretong silid siya ng silid aklatan kasama ang kaniyang anak.

" Bakit niyo po ako pinatawag, Ama?"  tanong ni Miguel kay Don Teodoro.

Ibinaba muna ng Don ang tobaccong hinihithit bago tumikhim at ngumiti sa anak.

"Anong balita kay Samuel?" tanong ng Don.

"N-nasaksak ho siya ng mga rebelde kanina. May isang 'di kilalang  binibining mangagamot ang tumulong sakaniya. Felicia yata ang 'ngalan niyon" sagot nito sa ama.

Nagsalubong ang kilay ng Don at napasandal ng pabagsak sa silya. Naglabas siya ng mabigat na buntong hininga bago ulit mag salita.

"Nasaan ang mga tauhan mo?" Tanong ng Don ng hindi tumitingin sa anak.

"N-nahuli po sila sa pagdating kaya't hindi nagawa ang plano" sagot ni Miguel sabay atras ng isang beses dahil sa kaba.

"Paslangin mo ang mga tauhan mong iyon" mariing utos ng Don dahilan upang matigilan siya.

"Ngunit—"

"Ngunit ano?" tanong ng Don dahilan upang umurong ang kaniyang dila.

"Wala silang silbi! Hindi ba't ang plano ay sasabay sila sa pagsalakay ng mga rebelde at pupuntiryahin si Samuel?! Ano sila mga duwag?!" Saad ni Don Teodoro dahilan upang mapayuko si Miguel. 

Napalunok siya ng mariin. Kilala niya kung paano magalit ang ama. Kabaliktaran ng mabait at maamo nitong hitsura ang bangis niya kapag may naudlot siyang plano.

"Miguel!" sigaw ng Don dahilan upang mapaatras ang anak.

"A-ama?" tugon ni Miguel.

"Bakit natin pinapabagsak si Samuel?" mahinahong tanong ng Don.

Napayukong muli si Miguel. Madalas iyong itanong sakaniya ng ama.

"Upang ako ang pumalit sakaniya" saad ni Miguel.

"Sa tingin mo? Paano mo siya mapapabagsak kung puro ka palpak?!" Muling sigaw ng Don.

"Hindi ba't simula palamang sa umpisa ay pinag aralan mo na ang kilos at takbo ng pagiisip ng mga rebelde? Hindi nila bastang papaslangin si Samuel lalo pa't ang isa sakanilang miyembro ay malapit sa kapatid mong iyon" giit ng Don.

Namawis ang palad ni Miguel. Batid niyang si Aling Rosita ang isang miyembrong malapit kay Samuel. Ayaw niyang may naidadamay na iba lalo pa't kung minsan ay nalalapitan niya rin si Aling Rosita.

"Kaya nga bumuo ka ng mga tauhan na tutulad sa mga rebelde hindi ba?! Upang sa pagkakataong mapabagsak mo si Samuel, ang rebelde ang sisisihin mo! Sa pagkakataong iyon, dalawang hadlang sa kapangyarihan natin ang mapapabagsak sa isang kilos! Hindi ba iyon maintindihan ng maliit mong utak?!" Sigaw ng Don dahilan upang kumuyom ang kamao ni Miguel na naka tago sakaniyang likuran.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon