KABANATA12

2.7K 173 84
                                    

"ANO na, ate?"napakurap ako kay Federico at ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim dahil ang akala ko ay tunay ko ngang sinigaw ang salitang 'ikaw'

Nag iimagine lang pala ako.

Napatingin naman ako kay Samuel na seryoso na muli ang tingin sa'kin.

Napalunok ako ng ilang beses bago magsalita.
"S-samuel ikaw ang---" magsabi sakanila dahil nahihiya ako!

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang bumungisngis si Federico na hindi na mapigilan ang pangaasar!si Elina naman ay mahinhin na tumatawa.

"A-Ang ibig kong sabihin!" sigaw ko, jusko mali nanaman ang nasa isip nila! "Ikaw Samuel ba ang magbabayad?hehe kanina pa nakahinto ang kalesa, eh" Palusot ko kaya natigilan naman silang lahat.

"Ah, sige. Baba na tayo" Wika ni Federico at iniwanan ako ng tingin na para bang sinasabi niyang hindi pa tapos ang pangaasar ko sa'yo.

Pagkababa ni Federico ay inalalayan niya si Elina sa pagbaba, bigla tuloy akong kinilig!ehehehe! Ang daya talaga, ba't ako walang kalabidab!dapat nandito si Miguel e! Charot.

Pagkababa nila ay agad- agad akong lumundag pababa ng kalesa at aalis na sana ng maisipan ang heneral, agad akong lumingon at hinintay siyang bumaba habang ako ay ngising-ngisi dahil may naisip akong kalokohan ehehehe!

"Heneral" wika ko sabay lahad ng aking palad, hindi pa naman ako nababasa dahil nasa isang silong kami binaba ng kalesa.

Balak ko siyang hilain upang masubsob siya sa maduming tubig!

Nangunot naman ang kaniyang noo habang ako ay malawak na nakangiti sakaniya at nakalahad pa rin ang palad na parang siya pa ang balak kong alalayan sa pagbaba."Ano ang iyong ginagawa?"inis niyang tanong saakin at bigla na lamang lumundag dahilan upang mabasa ako sa talsik ng tubig na pinag talunan niya!

"Anak ka ng---bakit mo 'yun ginawa?" Hindi ko makapaniwalang tanong habang nakatingin sa paa kong basa na.

Hindi naman niya ako pinansin, sa halip ay umalis siya sa harapan ko at nag umpisang maglakad sa ulan bitbit ang payong! Idala kaya kita sa modern at ihampas ko sa pagmumukha mo lahat ng payong sa bahay namin!

Duh, low class kaya 'yang mga payong niyo.Wala kayong payong na may design ng flowers or stars okaya barbie, pikachu at kung ano-ano pa.

Malakas na ang ulan at hindi ko alam kung paano ko iyon lulusubin. Kanina pa nauna sila Mang Tuding at Aling Panyang, malamang ay naroon narin 'yung lovebirds na si Elina at Federico! Wala talagang utang na loob si Samuel! Hinihiling kong dumating sana si Miguel upang iligtas ako sa nakakamatay na Bagyo, charot!

Inis akong humakbang paalis sa silong at nag umpisang tumakbo sa gitna ng ulan! napapikit nalang ako sa inis dahil sa isiping napaka walang kwenta ni Samuel! Anong kwenta at nabuhay pa siyang lalaki sa panahong ito?! Hindi ba siya marunong magpaka ginoo?! wala  ba siyang balak isama ako sa payong niya at----what the?Bakit ba may puno sa gitna ng daanan?----

"Hindi ka na nga marunong maghintay, hindi ka pa tumitingin sa iyong dinadaanan" wika niya habang  hawak sa tapat ko ang isa pang payong.

Napatulala ako sakaniya, si Samuel pala, kala ko puno kay tigas ba naman kasi ng dibdib parang tanga. Muling nanaman akong nainis.

"Malay ko bang babalik ka dahil kukunin mo lang pala payong ni Federico! Wala ka namang sinabi, eh!alangan namang mag assume ako na babalik ka?" inis kong saad saka hinablot ang payong sakaniya!

"Ano?"pagtataray ko pa nang hindi man lang siya umalis sa harapan ko at nakatingin lang siya saakin ngayon.

"Umalis ka nga diya---'yung payong!"hahabulin ko pa sana ang payong dahil tinangay ng hangin ngunit agad hinila ni Samuel ang pulsuhan ko dahilan upang mag dikit ang aming katawan!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon