KABANATA 10

2.6K 174 71
                                    

"F-FELICIA, nais n-ni Donya Valencia na ikaw ang maghatid nito sakaniya" saad ni Danaya habang inaabot saakin isang tasa ng tsaa.

Nakakapagtaka kung bakit nanaman siya nauutal at parang takot na takot. Tulad ng dati ay nangangatog din siya na parang natrauma. Napapansin kong madalas siyang ganiyan lalo na kapag inuutusan siyang lumabas.

"Ayos ka lang?" tanong ko saka kinuha ang tasa. Tumango lang siya at ngumiti, ang ngiting alam kong peke.

"Ayos lamang ako. Idala mo na iyan kay Donya" saad niya at sinikap na huwag mautal. Tumaas ang kilay ko.

"Pinagmamalupitan ka ba ni Valencia?"pagtataray ko. Nanlaki naman ang mata niya at agad na umiling.

"Hindi. hindi ko nga siya madalas nakakasalamuha"pagdedepensa niya.

Napahinga ako ng malalim dahil alam kong 'di naman kami ganon ka-close para sabihin niya saakin ang lahat, iniisip niya sigurong pag nagsumbong siya sa'kin isusumbong ko din siya kay Valencia.

"Osige hatid ko muna 'to pero--kapag may gusto kang sabihing problema, sabihin mo lang sa'kin"Saad ko at tinanguan ko pa siya para mag-paangas ng konti. Char!

Pag- akyat ko ay nagtungo na ako sa kuwarto ni Valencia. "Donya Valencia, knock knock!"saad ko sabay katok sa kuwarto."Buksan mo ang pinto, pumasok ka" utos niya.

Umirap muna ako bago ngumiting pumasok sa loob.

"Heto po ang tsaa" ngiti ko sabay lapag nito sa mesang katabi ng kama niya kung saan siya nakahiga at nagbabasa ng libro.

Isinara niya ang libro at tumingin saakin, nabigla ako ng ngumiti siya. Hanep rin kaplastikan netong si Valencia eh noh?

"Alam mo? maganda ka"ngiti nitong saad saakin. Napangiti naman ako kahit alam kong kaplastikan lang iyon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya pero sasakayan ko nalang kaplastikan niya ngayon.

"I know right!" sagot ko sabay fliphair.
Nagtaka naman si Valencia ngunit nginitian ko lang siya ng makamandag na ngiti.

Nginitian niya rin ako ng ngiting pambasura. At syempre para kaming nagpapatayan ng ngiti.

"Nais mo bang magkaroon ng maraming salapi?" sambit niya. Nangunot ang nuo ko sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko at napawi na ang aking ngiti.

"May kaaya-aya kang hitsura, kahit papaano ay maganda ang iyong pangangatawan, makinis ang iyong balat na siyang magpapapawis sa mga kalalakihan---"napapikit ako sa inis at agad siyang sinumbatan.

"Kung puwede deretsohin niyo na ang dapat niyong sabihin" pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig niyang sabihin.

"Ipapasok kita bilang isang pinakamataas ng sahod na babaeng bayaran, magkakaroon ka ng limpak-limpak na salapi kapalit ng pag alis mo dito at pag iwas sa mga anak ko" saad niya na siyang nag painit saaking dugo.

"Anong akala mo sa'kin? pokpok na kagaya mo?"inis kong saad, hindi ko na kayang hindi siya sumabatan.

Sa sandaling iyon ay para ring sinuntok ang dibdib ko dahil sa salitang lumabas saaking bibig. Alam kong hindi ko dapat iyon sinusumbat sapagka't nakaraan na niya iyon pero may mga pagkakataon talaga na hindi ko magawang makontrol ang aking bibig...at sa huli ay tanging konsensya ang matutuwi saakin dahil nahihiya akong humingi ng tawad o paumanhin.

Gulat siyang napatingin sakin. "Anong?---"Napa hinga siya ng malalim at sinikap na pakalmahin ang sarili saka pilit ulit na ngumiti. "Hindi ba't mas maganda kung magkaka salapi ka nang walang kahirap-hirap? Yayaman ka nang walang kalupitan at kahit mahiga ka lamang saiyong trabaho ay makakaramdam ka ng ginhawa at sarap" ngiti niya saakin na parang isang demonyong nanghihikayat.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon