KABANATA 8

2.5K 205 47
                                    

HABANG naghihiwa ng karne dito sa kusina, lumilipad ang isip ko. Hanggang ngayon ay 'di ko maiwasang matakot sa mga nangyayari sa'kin, ba't ba nila ako hinohostage?! nakakainis naman, eh! ano bang kailangan nila sa'kin? hindi na nga lang ako taga rito sa panahong 'to pinapahirapan pa ako!

Habang inaasikaso ang mga sangkap ay naalala ko ang tagpo namin ni Miguel kagabi.

Kusang tumulo ang aking luha dahil sa takot. "Binibini, ayos ka lang?"tanong ni Miguel at humakbang ng dalawang beses palapit sa'kin. Hindi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nangangamba pa'rin ako at natatakot.

"Sino ang mga kalalakihang iyon? iyo bang kilala sila?" tanong niya ngunit tanging pag iling lamang  ang aking naisasagot.
"Hindi ko sila kila" tugon ko at tumingin sa mata niyang nangangamba rin.

Napahinga siya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Nakatakip ang kanilang mukha, hindi rin sila nagsalita. Wala tayong pagkakakilanlan sa kanila, binibini" sabi niya pa.

Napalunok ako. Iniiisp ko kung paano nalang kaya kung wala si Miguel ngayon?

MATAPOS kong mag hiwa ng pang porkchop, 'di ko sinasadyang mabalibag ang chopping board dahil sa inis.

Nagmamabuting loob na nga lang ako rito sa panahon nila kahit mukha akong mas dukha pa sa dukha,  ako pa ang kikidnapin nila?!

Lahat ng kasama ko sa kusina ay napatingin saakin. Inirapan ko sila bago ulit kumilos.

Kung tutuusin ay kaming dalawa lamang nitong babaeng kasing edad ko ang gumagalaw! siguro ay baguhan din siya at kaming mga baguhan ang pinapahirapan nila.

Nagluluto kaming dalawa ng almusal
habang siya ay kanina ko pa pansin na mukhang kabado sa pagluluto.

Baka first time niyang magluto?
Chos---bihasa nga pala ang mga babae sa gawaing bahay sa panahong 'to.

"Ayos ka lang?" hindi ko na maiwasang magtanong, pinagpapawisan na kasi siya sa kaba, baka mamaya tumulo ang pawis niya sa niluluto.

"A-Ah, o-oo"nauutal niyang saad at nagiwas ng tingin sa'kin.

"Ako nalang diyan magpahinga ka nalang muna, baka pagod ka" hindi ko na siya hinayaang tumanggi at agad ko ng inagaw ang gawain niya.

"S-salamat" aniya saka nanginginig na uminom ng tubig.

Ilang sandali pa ay napapalingon ako sakaniya, nakatulala lang siya na parang malalim ang iniisip at balisang-balisa.

"Ano ang itinutunganga mo riyan?!hoy ineng! hindi ka binabayaran ng pamilya De legazpi para lang tumunganga!" sigaw ng isang matabang babaeng nasa edad 30's at sa tingin ko ay matagal ng nagtratrabaho rito.

Nagulat ang babaeng inutusan kong magpahinga muna, agad siyang tumayo at hindi pa rin siya mapigil sa panginginig ng kanyang katawan.

"P-paumanhin po"

"Makakarating ito kay Donya Valencia at sisiguraduhin kong aalisan ka niya ng trabaho!" Pananakot ng matabang iyon.

Nainis naman ako sa inasta niya, inis akong lumapit sa mismong harap niya at dinuro siya. Hindi ko na namalayang dala-dala ko pala ang sandok at iyon ang nagamit ko sa panduduro ko dahilan upang mapaatras siya, tumalsik pa ang mga sarsang dala ng sandok sa damit niya.

Nagulat rin ako pero mas nanaig ang inis.
"Punyeta! Anong karapatan mong mag yabang rito?!" Galit niyang sigaw saakin at kaunti nalang ay lalamunin na niya ako dahil mukha na siyang dragon ngayon dahil sa galit.

Napahinga ako ng malalim at bahagya pang napa-iling dahil sumasakit na ang batok ko. Na ha- highblood na ako dito punyeta rin.

"Magpapaliwanag ako" panimula ko at muling napahinga ng malalim. "First of all, pinagpahinga ko po muna siya pero hindi ibig sabihin niyon na wala siyang ginagawa kundi tumunganga. Pangalawa, magpahinga man siya diyan o tumunganga ay matatapos pa rin ang gawain namin dahil ako ang nag kusang umagaw ng trabaho niya. At pinaka huli sa lahat,  ha makinig ka ho! " tumaas ang boses ko ng umirap irap siya sa'kin. Nasindak naman ang lahat sa pag taas ng boses ko at walang kurap ang tingin saakin.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon