KABANATA15

2.3K 162 96
                                    

"SA WAKAS!"  Nagising ako dahil sa boses ng lalaki na sinabayan rin ng pag tawa ng ilan.

Nakasuot pa rin ng supot  ang aking ulo kaya kadiliman ang nakikita ko ngayon, ginalaw ko rin ang aking kamay at napagtanto kong nakagapos ako, maging ang aking paa ay nakatali rin.

Naramdaman kong unti-unti ng inaalis ang supot saaking ulo. Sisigaw sana ako ngunit may nakataling tela saaking bibig kayat kahit anong sabihin ko ay panay pag daing lang ang lumalabas sa'king labi.

Tuluyan nang tinanggal ang supot ng aking ulo, madilim ang paligid ngunit may mga gaserang nakasindi dahilan upang makita ko ang mga lalaking pare-parehong naka suot ng asul na  kamisa de tsino, kung titignan ay parang silang mga rebeldeng katipunero pero mukhang mga adik.

Mas kaagaw-agaw ang pansin ng lalaking may isang dipa ang layo saakin, nasa edad 30 na siya base sakaniyang itsura.

Naghahasa siya ngayon ng isang kutsilyo. Nasindak ako dahil sakaniyang paghalakhak na nakakatakot.

"Huwag kang mag alala, ikaw lamang ang instrumento upang mapasakamay namin ang tunay naming pakay" wika niya habang papalapit ng papalapit saakin, huminto siya sa harapan ko at muling humalakhak.

Nakaupo ako ngayon at hindi makagalaw. Lumuhod siya upang magkapantay kami."At habang wala pa siya, hayaan mong makaramdam ka muna ng ligaya" sumilay ang nakakilabot niyang ngisi.

Nagpumiglas ako dahil unti-unti na niyang nilalapit ang kanyang katawan saakin.

Nakakadiri!

Tatlo lamang sila ngunit mukha silang malalakas lahat. Hindi ko kaya, lalo na't naka gapos ako.

Tuluyan na niya sanang ididikit ang katawan saakin nang umalingawngaw ang isang putok ng baril!

Ngayon ko lang napagtantong nasa isang kweba kami.

Napahalakhak ulit siya at lumayo na saakin,"Narito na pala ang De Legazpi, ang iyong tagapagligtas" ngisi niya saakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sino ba ang tinutukoy niya? Si Miguel o Si Samuel? Isa ring ganap na De legazpi si Samuel ngunit mas kilala lang siya bilang Lopez, alin man sakanilang dalawa ang tinutukoy niya ay kinababahala ko.

"Sayang naman dahil hindi ko na matitikman ang masarap na putahe" saad niya pa sabay halakhak.

Nagulat ako nang bihagin ako ng isa, para akong sunudsunuran sa galaw niya dahil sa mga nakatali sa aking katawan.

Nakarinig pa ako ng ilang kaguluhan at salitan ng putok ng baril  sa labas kaya napagtanto kong maraming bantay sa kwebang ito.

Napahakhak nanaman ang lalaking mukhang pinuno nila. Kumabog ang dibdib ko nang itutok niya sa'kin ang isang rebolber.

Napapikit ako sa takot! Alam kong anumang oras ay kaya niya iyong kalabitin.

"Hindi ka naman namin sasaktan binibini, paano kaya kung subukan ka naming pag sawaan hanggang makita ng De Legazping iyon ang panghahalay namin sayo?" Ngisi ng lalaking iyon at hinaplos ng dahan-dahan ang dulo ng baril paikot  sa hinaharap ko.

Napasigaw ako at nagpupumiglas ngunit wala akong magawa, walang lumalabas sa aking bibig dahil nakatali roon ang tela.

"Ano sa tingin mo, binibini?" tumulo ang luha ko dahil sa takot namg hawakan niya ng mahigpit ang panga ko na para bang nangigigil sa kasamaan at sa kapusukang nasa isip niya.

Marahas niyang inalis ang tela sa'king bibig dahilan upang makasigaw ako.

"Tulon—"hindi ko na natapos ang sigaw ko ng marahas at mariin akong sunggaban ng halikan nung lalaki. Mas lalong tumulo ang aking mga luha dahil sa takot at pandidiri!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon