KABANATA 21

1.9K 145 71
                                    

HINDI ko maiwasang hindi mangamba kung bakit wala pa si Samuel. Ang sabi niya, bago magtakipsilim ay susunduin na niya ako dito sa bahay nila aling Panyang.

Nung mga nagdaang araw sa ganong oras niya naman ako sinusundo, pangatlong araw ko na sigurong puro bisita nalang ang ginagawa ko dito sa bahay nila aling Panyang, nakikitulong rin ako sa mga gawaing bahay nila syempre.

"Baka may inaasikaso lamang ho si Señor o kaya may pinuntahan lamang sila ni Federico" wika ni Elina.

Ilang sandali pa'y bigla akong napatayo dahil sa kalesang paparating.

"Felicia!" Bungad nito saakin na parang natataranta.

"Po?" agad akong napatingin sa kaniyang likuran at bumaling ng tingin sa kalesa ngunit wala roon si Samuel.

"Si Samuel ho?" Tanong ko na pilit pinapaklma ang sarili, kung ano ano na kasi ang nasa isip ko na siyang nagpapa nerbyos saakin. Idagdag mo pa ang haponh hapo na itsura ni Mang Tuding.

"Iyon nga ang sasabihin ko, malubha ang kalagyan niya. Naroon siya sa kampo niyo at kasalukuyang ginagamot!Halika na!" lumakas amg tibok ng puso ko dahil sa kaba ng sabihin iyon ni Mang Tuding.

Dali-dali kaming sumakay sa kalesa at kumaway nalang ako kila aling Panyang paalis. Panay na rin ang pag kagat ko saaking daliri dahil sa pagaalala. Hindi ko na rin nagawa pang magtanong kung anong nangyari.

"Nako!mukhang may sakit ata ang kabayo." Saad ni Mang Tuding, napakunot nalang ako ng noo at pinagmasdan ang kabayo, ang kupad mga nito, hindi man lang makatakbo.

Badtrip naman oh!kung kailan kasi nagmamadali!.

Napapikit nalang ako sa inis, kung kaya ko lang paliparin ang kalesa, baka wala pang isang segundo nasa kampo na kami!

MATAPOS ang ilang minuto ay narating na namin ang kampo.

Nakakapagtaka lang dahil walang gasera o lamparang nakasindi, hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta dahil madilim.

Napalingon ako sa'king likuran dahil sa sinag ng gasera, nagulat nalang ako dahil buong akala ko'y nasa likuran ko lang si Mang Tuding ngunit tanging gasera nalamang ang naroon.

"Uh...Mang Tuding?" Medyo kinikilabutan na ako dahil para akong nasa isang horror movie!

Kinuha ko na ang gasera at nag umpisang maglakad papuntang Kubo,
nang marating ko iyon ay wala ring tao!

Nasaan sila?

Napahinto ako nang may maramdamang papalapit saakin, tatakbo na sana ako nang marinig ang stram ng gitara.

Tarantado.

napakurap ako ng ilang beses habang pumapasok sa isipan ko ang kung anong  kakornihang  nagaganap.

Napasilip ako sa bintana at sunud-sunod ng liwanag ng ilaw ang papalapit saakin. Nakita ko si Mang Tenyong na siyang nag gigitara at---Alam ko ang tugtuging iyon!

Nung isang gabi ay nagpaturo siya saakin igitara 'yung "Sa Aking Puso". Hindi naman ako nahirapan dahil magaling siya at gets na gets niya mag plucking, buong akala ko ay nasiyahan lang siya sa kanta dahil pinasulat niya rin ang lyrics saakin, papakantahin pa niya sana ako kaso 'di niya ako mapilit.

Pero ano 'tong ginagawa niya? Jusko, ilayo niyo ako sa nakakasamang pag-ibig, huwag niyong sabihing?---nanlaki ang mata ko sa sariling ideya! LILIGAWAN BA AKO NG MATANDANG 'TO?!

No way!

Hinndi pwede! para ko na na rin siyang tatay tas jojowain niya ako?! pinamimigay na ba ako ni Samuel?!Ganon nalang ba yon?!

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon