Epilogo

2.9K 160 149
                                    

3rd Person's Point Of View

Paunawa: Lahat ng nabanggit ay pawang katahang isip lamang at hindi nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas.

"Ma? S'an ko po id-display yung painting na binili niyo?" tanong ni Azalea sa nanay niyang hindi mapigil sa tuwa dahil nakabili nanaman ito ng isang makalumang bagay.

"Here anak---ay no! Saan kaya mas maganda? Duon nalang sa sala!" buong galak niyang turo sa anak.

Natawa naman si Azalea habang kinakabit ang isang painting sa sala.

"Perfect! " pumalakpak pa ang ina habang abot tainga ang ngiti. Kung tutuusin ay doble-doble ang sayang nararamdaman niya lalo na't nakikita niya ang anak niyang suportado na ngayon sa mga bagay na kagustuhan niya.

Naalala niya pa dati kung paano magreklamo si Lea na nagmimistulang museum na raw ang kanilang bahay.

"Kabsat! Heto 'yung picture nung pulis, oh! Ampogiii! "singit ng kapatid niya na busy sa pags-search at pag stalk ng social media accounts ng kung sino-sinong mga lalaki.

Napaikot nalang ng mata si Azalea at natawa sa kapatid. "Ewan ko sa'yo, Bea." saad niya at naglakad paakyat sa kaniyang kwarto upang mag-aral. Malapit na ang pasko at linaan niya ang Sembreak upang makahabol sa pag aaral gayong isang linggo na mula ng makalabas siya sa Hospital.

Kalahating taon siyang nacomatose dahil bukod sa balang natamo niya nung siya ay binaril, malakas rin ang pag kakauntog niya sa aparador na kaniyang binagsakan.

Katatapos lang rin ng kaso tungkol sa bumaril sakaniya. Inasikaso iyon ng kaniyang ama.

Habang nagbabasa ng libro, bigla siyang napatingin sa salaming kaharap niya.

Hindi niya mawari kung saan galing ang kwintas na kaniyang suot.

Wala siyang matandaang bumili siya ng bagay na iyon.

Hindi niya rin batid kung bakit parang napakahalaga sakaniya ng kwintas na iyon. Marahil ay dahil sa pendant nito na gustong-gusto niya kaya't hindi niya matanggal sa kaniyang leeg.

Nagkibit-balikat nalamang siya at inisip na baka galing talaga iyon sakaniyang ina at hindi lang nito maalala dahil sa dami ng kung ano-anong mga bagay na kaniyang nabili...

"MALIGYANG PASKO!" sigaw ng mga kamag anak ni Azalea. Nakangiti silang lahat habang nanunuod ng fireworks sa kalawakan.

Naglaho ang ngiti sa labi ni Lea ng muli nanaman siyang makaramdam ng kirot sakaniyang puso.

"Merry Christmas!" Bati sakaniya ng kaniyang mga kaibigan sa video call. Ngumiti lamang siya at bumati rin pabalik.

Hindi niya mabatid kung bakit kumpleto naman ang lahat ngunit parang may kulang pa rin.

"OUR lesson for today is about..
well known Generals during Spanish Colonial Period" Panimula ng kanilang propesor sa Philippine History.

Inumpisahan na nitong iflash sa Projector ang mga larawan at mga discription ng naging Gobernador Heneral sa Pilipinas.

"Kung babalikan niyo yung pinaka unang naging Gobernador Heneral...Ito ang pinaka-apo niya" Paliwanag ng Propesor at pinakita ang larawan.

"This is General Miguel Lopez De Legaspi. After ng discussion sa mga heneral ay ipapakita rin sainyo ng last Group ang masaklap na kwento sa likod ng pamilya ng mga Legazpi"

Nagkaroon ng group report kahapon at ang last group nalamang ang hindi pa natapos.

Napukaw ang atensyon ni Azalea sa larawan, hindi niya maipaliwanag kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa larawang iyon gayong halos hindi na rin makilala ang taong nasa imahe dahil sa kalumaan nito.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon