KABANATA 4

3.3K 210 58
                                    

TULALA ako habang naglalakad, ayaw mag sink-in sa utak ko ang lahat ng mga pangyayari.

Nag time-travel ba ako?

Nasa panahon ako ng Kastila?

Kanina pa ako nakaalis sa bahay nila aling Panyang, sinabay na ako nila Mang Tuding sa kalesang maghahatid raw sa heneral papunta sa Hacienda De Legazpi kuno, ngunit dito na nila ako binaba, sa Plaza.

Sa dinami-dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay 'di ko na nagawa pang mapansin ang oras.

Magtatakipsilim na pero paikot-ikot pa rin ako sa kalye. Ramdam ko pag-ihip ng hangin, ang ilang tuyong dahon mula sa mga punong nadaraanan ko ay naglalagas na at tumatama pa sa aking buhok.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang lahat sa paligid, ang mga kababaihan ay nakasuot ng baro't saya, kimonang filipiñana, victorian dress o kaya naman ay mahahabang bestida habang ang mga kalalakihan ay naka polo at coat at ang iba ay naka kamisa de tsino, polong puti at barong.

Dahil ron ay mas naging kumbinsido akong nasa panahon nga ako ng kastila, ngunit paano?

Nag TIME TRAVEL AKO?! Totoo?!

Alam kong may koneksiyon ang lumang aparador na iyon sa paglalakbay ko sa panahong ito,

Mama kasi e, sinabi ko ng 'wag sa kwarto ko ilagay, 'yan tuloy!

Bigla akong nalungkot ng maisip kong wala sila mama sa panahong ito.

Wala si Bea!

Wala si Dad!

Wala si Yuri!

Walang cellphone at laptop!

Mas lalo akong nalungkot.

Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Sa panahong ito...Wala akong kilala, wala akong pamilya, Walang Tahanan, walang kaibigan.

Mag-isa ko lang.

Gusto kong umiyak! Paano kung mamatay ako dito? Ni hindi pa kami nag babati ng tatay ko!

Sana pala sinabi ko nalang kay Aling Panyang na wala akong matutuluyan.

Kanina kasi ay tinanong niya ako kung may tutuluyan daw ba ako, sinabi kong meron pero ang totoo ay gusto ko lang masilayan sa labas kung totoo ba talagang hindi ito panaginip at hindi iyon kidnap. Pinahiraman niya pa ako ng kupas na baro't saya na pagmamay-ari daw ng anak nila. Dahil nagtaka sila sa suot kong padjama at t-shirt, nagpalusot nalang akong naiwan ko ang mga gamit ko at inembento ko lang ang suot ko kahit pa ang totoo ay wala naman talaga akong gamit.

Wala tuloy akong matutuluyan ngayon.

Gusto ko ng umiyak pero mayroong parte saakin na nagsasabing kailangan kong humanap ng paraan para sa sarili ko.

Mahigit tatlumpung minuto rin akong naglakad hanggang sa natagpuan ko nalamang ang sarili ko na nasa harap ng bahay nila Mang Tuding.

Naiiyak ako dahil sa isiping mag-isa ko lang talaga sa panahong ito...bukod doon ay hindi ko alam kung paano at kaylan ako makakabalik sa panahon ko, isa pa ay wala akong alam sa pamumuhay dito.

Napalunok ako ng unti-unti kong itapat ang kamao ko sa pinto ng munti nilang bahay.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang mae-experience na lakasan ang loob kong makibahay. Hindi kasi ako nakiki sleep over o nakikitulog lang kung kani-kanino, minsan nga nahihiya pa akong kumatok sa kapit bahay kapag inutusan ako ni mama na magbigay ng sobrang handa namin tuwing birthday ni Bea dati.

Kumatok ako ng tatlong beses.

Apat.

Limang beses.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon