❦
MASALIMUOT sa loob ng barong-barong kung saan ginamot ang mga sugat na natamo ko kanina. Iniwan nila ako saglit upang maayos ang aking sarili at mahimasmasan.
"Halina sa kubo at magmiryenda" itinusok ko muna ang kayumangging payneta sa buhok ko bago lumingon sa ale, laking gulat ko nang makilala ang kaniyang mukha!
"Aling Rosita?!" Napatakip ako sa aking bibig. Siya 'yung ale na pinasukan ko ng trabaho dati. 'Yung may ari ng kalenderya kung saan nagtratrabaho si Elina.
"Ako nga, sumunod ka na"
Hindi naman siya mukhang nagtataray.
Agad akong naglakad papunta sa kubo. Sa kampong ito ako dinala ni Samuel kung saan lahat ng tao ay may hangad na kalayaan at pagiging patas, ito ang lugar ng isang samahan, samahan ng mga rebeldeng Pilipino na naghahangad ng kalayaan sa sariling bansa.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kilala ni Samuel ang mga tao dito at alam niyang mga rebelde sila gayong isa siyang heneral. Hindi ba't kalaban ng pamahalaan ang mga ito?
Naalala ko pa noong may manong na nanghostage sa'kin dati at grabe ang pagpaparusa sakaniya ni Samuel.
Posible kayang palabas lang 'yun lahat ni Samuel? hindi ko pa kasi siya nakakausap mula nang makapunta kami rito.
Nakakabilib din ang lugar na ito. Hindi lang siya basta tago kundi mahihirapan ka talagang makatungo dito kapag hindi mo alam ang sekretong lagusan. Dadaan ka pa sa masukal na gubat at maagos na ilog.
Pagdating ko sa kubo ay inaasahan kong tahimik sila at nagpupulong ngunit sa 'di inaasahan at malayo sa'king palagay ang nadatnan ko.
Naabutan ko silang nagmimiryenda ng nilagang kamote at nagkakantahan sila. May isang tatang na nagtutugtog ng gitara, ang isa naman ay sumasabay sa pagtambol ng mesa gamit ang palad habang umaawit ang ilan.
Napangiti ako habang papasok ron, nakakatuwa lang tignan ang mga tao sa panahong ito.
Bagaman hindi ko masyadong maintindihan ang kanta dahil sa puro at malalim na tagalog nito, hindi naman nakakasawang pakinggan ang himig.
Matapos nilang magkantahan ay biglang nagsalita ang isa."Ikaw Heneral? hindi mo ba hahandugan ng awit ang iyong binibini?"kantiyaw ng isa kay Samuel.
"Oo nga Señor!" Sang-ayon ng isang dalaga.
Napatingin naman ako kay Samuel na agad umiwas ng tingin saakin, hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin dahil hindi ko siya napansin kanina, hindi kasi ako sanay na naka kamiseta siya ng pula at gulong-gulo ang buhok niya na parang siya 'yung sinabunutan kanina. Gayunpaman nakakahumaling pa rin siya sa paningin ko, animo'y isa siyang poging badboy na bagong gising. Napa iling nalang ako sa'king pag iisip, hindi ko suka't akalain na si Samuel pala ang laman ng puso ko magmula noon...at ngayon ay unti-unti nanaman niyang binabalot ng pag-ibig ang aking puso.
"Ano na Señor?" ngisi sakaniya ng tatang at inaabot na ang gitara.
"W-wala po akong alam sa musika, h-hindi ho ako marunong umawit"Napayuko pa si Samuel dahil sa hiya.
"Sayang naman" reklamo ng ilan at napatingin saakin.
Ngumiti naman ako at lumapit kay tatang, kanina ko pa gustong magpakitang gilas sa pagtugtog ng gitara ngunit ngayon lang kumapal ang mukha ko. Naalala ko tuloy kapag kasama ko si Yuri, Jezel at Daisy. Kapag sinumpong kami ng pagiging Fangirl ng old songs ay ako madalas ang taga gitara nila, kung hindi ako ay si Jezel rin dahil medyo magaling rin siya sa mga instrumento at maganda pa ang boses.
"Maari ko ho bang hiramin?" Paalam ko kay tatang, hindi naman niya inaasahan iyon ngunit agad siyang napangiti.
Napangiti rin ang ilan at tinukso si Samuel na ang binibini pa raw ang manghaharana sakaniya. Napailing-iling nalang ako, wala naman sa intensyon ko ang haranain siya pero kung iyon ang gusto nilang isipin, ayos lang.
BINABASA MO ANG
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)
Fiksi Sejarah[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Fo...