KABANATA 25

1.8K 117 65
                                    

DALAWANG oras ang nagugol namin sa pagbyahe mula Maynila hanggang Batangas.

Nandito kami ngayon sa Bahay panuluyan na pagmamay-ari ng kaibigan ni Aling Rosita, dito na muna daw kami magpalipas ng gabi.

"Dalawang silid nalang ang bakante" wika ng kaibigan ni Aling Rosita habang naglalakad kami paakyat sa ikalawang palapag ng Bahay Panuluyan.

"Hindi na muna ako matutulog rito" Tugon naman ni Aling Rosita.

"Aba'y kung ganon hindi dapat sila libre..hindi ko naman sila kaano-ano" Nagtinginan nalang kami ni Elina dahil ron, maging sila Aling Panyang ay nagtitinginan rin.

"Sampung piso ang isang silid, isang gabi lamang iyon...Bale dalawampung piso ang bayad"saad ulit nung kaibigan niya.

"Isang gabi lang naman, baka maari mo silang pagbigyan...ngayon lang rin sila nakakita ng napakagandang bahay panuluyan sa buong buhay nila" pambobola ni Aling Rosita na sinabayan rin namin.

"Oo nga po, napaka ganda ng bahay panuluyan rito!"Si Elina.

"Ang ganda nga!"Pag sang-ayon ko.

"At mahalimuyak pa ang amoy!Napakabango!" Si Aling Panyang naman.

"Maganda rin ang nagmamay ari—" Hinampas ni Aling Panyang si Mang Tuding.

Bahagya nalamang kaming natawa ni Elina dahil mukhang nagseselos si Aling Panyang.

"Ikaw? Anong masasabi mo sa napakagandang pahay panuluyan na pagmamayari ng magandang katulad ko?" taas noong tanong nito kay Samuel.

"Di hamak naman na mas maganda pa ang mga bahay panuluyan sa Laguna—" Si Samuel.

"Ay kung ganoon edi  magbayad kayo!" Napapikit nalang ako sa inis dahil kay Samuel! kahit kailan talaga wala siyang naiiaambag sa mga ganitong bagay!

"Oh, iyan! nasaan ang silid?" inis na binigay ni Samuel ang mga salapi. Pakiramdam ko sobra binayad niya ah!

Kuminang-kinang naman ang mata nung kaibigan ni Aling Rosita at agad itinuro ang dalawang silid at binigay saamin ang susi.

"Hoy!limitahan mo naman ang gastos mo!" kinatusan ko si Samuel! Hindi niya ba naisip na isang supot lang ng salapi ang dala namin dito at pag naubos ay maari kaming hindi makakain ng maayos!

"Aray ko, masakit pa ang aking ulo!" kunwaring inis niyang saad.

"TSk.tsk." napailing nalang ako at linagpasan siya upang sabayan si Elina.

"Dito nalamang kami sa makipot na silid, ikaw Elina magsilibi kang aso sakanila" pabirong utos ni Mang Tuding.

"Aso?" kunot noong tanong ni Elina.

"Magsilbi kang bantay sakanila mahirap na baka makabuo sila ng milagro—"

"Ehem!" singhap ni Samuel upang sumabat kay mang Tuding.

"P-pasensya na Señor, pasok na kami" taas noong pinanood ni Samuel si Mang Tuding at Aling Panyang na pumasok sa silid.

Kahit kelan talaga may pagkapilyo 'tong si Mang Tuding.

"Dito kami ni Elina sa kama, ikaw sa banig." Wika ko kay Samuel sabay lundag sa kama.

"Masusunod!"sumaludo pa siya sakin na parang ewan.

"Ate, heto na po ang tela at mainit-init na tubig, ang nasa baso po ay ang Suka." Napabangon ako dahil sa tinig ni Elina.

Bahagya pa akong nag unat saka lumapit kay Elina at kinuha iyon.

Lumapit naman ako kay Samuel na hindi na maalis ang tingin sa kagandahan ko.Tinaasan ko siya ng kilay kaya siya natawa at pinaubaya ang mga sugat saakin.

Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon