BIB - 45

15K 162 9
                                    

*ALLISON'S POV*

"Nakabili na ko ng ticket pauwi ng Pinas. Uuwi na tayo bukas."

As soon as I heard those words, bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko. I couldn't move. I couldn't say a single thing.

"Uy Ally! Ayos ka lang ba?" Maya asked.

Napatingin lang ako sa kanya.

Ayos nga lang ba ko?

Ofcourse not.

She quickly grabbed my phone from my hand and she checked kung sino yung kausap ko. When she found out na si Jad pala ang kausap ko, nagtanong kaagad sya.

"Si kuya! What did he say?" she asked again.

Feeling ko tinubuan na ko ng ugat dito sa tinatapakan ko. Hindi pa din ako makagalaw. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya dahil pati ako, gulat na gulat ako.

"Tara nga dito. Namumutla ka. Ano nanaman bang sinabi ni kuya? Maayos naman sya nung nakausap ko sya kanina bago tayo umalis ah. Inaway ka ba nya or something?" patuloy pa din nyang tanong sakin.

She grabbed me and dinala nya ko sa may bench sa gitna ng mall. Good thing walang mga tao masyado dahil weekdays.

Mukha talaga syang nagaalala. And, hindi pa din nya binabalik yung phone ko sakin. Hawak hawak nya pa din.

"Gusto mo tawagan ko si kuya and I'll ask her kung anong sinabi nya?" she said.

"No! Wag na Maya." I said then kinuha ko na yung phone ko sa kanya.

Medyo nahimasmasan na ko ulit.

Para nanaman akong mababaliw. Kanina kagagaling ko lang sa iyak tapos ngayon naman mabibigla ako. Hindi ko alam kung ano bang gustong gawin sakin ng kapalaran. May galit yata sakin ng sobra.

"Tumawag yung kuya mo. He said, nakabili na daw sya ng plane tickets namin pauwi bukas ng Pinas. May alam ka ba about don Maya?" I asked her.

Kanina habang nakahiga ako sa kwarto, naririnig kong naguusap sila pero hindi ko maintindihan kung anong pinaguusapan nila. Baka napagusapan na nila to at baka may alam sya sa plano ng walanghiya nyang kapatid.

"Ofcourse not! Wala akong kaalam alam. What the hell! Ano nanaman bang gustong mangyari ni kuya. Una dadalhin ka nya dito then biglang uuwi naman ng Pinas? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak nya!" she said. Obvious sa mukha nya na maski sya, shocked na shocked din.

What more pa kaya ako!

"Alam mo, dahil sa mga ginagawa nya lately, bumabalik nanaman yung pagkamuhi ko sa kuya mo. I know bumait sya. I know nagbago sya pero ang gago nya. Sobrang gago ng kuya mo. Gusto ko syang isumpa." I said. Nanggagaliti ako sa galit.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon