"Tita, kaya ko ba talaga to? Hindi kaya nabigla lang ako sa pagpirma ng kontrata?" I said. Nangangatog ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko.
"Ofcourse hija." Tita Francesca said habang nakahawak sya sa mga braso ko at inaayos nya yung buhok ko na parang nireretouch nya.
I let out a very very deep sigh.
Pagkapirma ko ng kontrata two days ago, I never expected na may projects na kaagad. At nandito ako sa una kong gig aside from the photoshoot for the magazine.
Ramp modelling sya ngayon. Hindi sya photoshoot kaya sobra akong kinakabahan. Isang beses lang kaming nakapagrehearse dahil mga professionals na ang mga kasama ko dito. Mga bigating models na dito sa Paris. I feel so noob.
"Be confident. Patricio won't ask you to join here kung alam nyang hindi mo kaya. You have the potential. I see that in you as well." she said. Sa bawat words na lumalabas sa bibig ni tita, nadadagdagan kahit papaano ang confidence ko sa katawan.
Pero shit naman.
First time kong magraramp.
As in first time ever.
Never in my life kong naimagine na gagawin ko to. It looks so easy pero kinakabahan ako ng sobra. Kinakabahan akong magfail. Baka mamaya pag ako na ang naglalakad, baka bumiyak ang heels ko, baka mapunit ang long gown ko. Shit naman oh.
"Relax. Just breathe." nagulat naman ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Si Franco.
"There you are." narinig ko namang sinabi ni Tita Francesca as soon as dumating si Franco dito.
Simula nung gabing nagconfess si Franco sakin, madami ding nagbago kahit two days lang ang lumipas. Hindi nya na ko inaasar palagi. Minsanan na lang. Hindi ko rin malaman kung seryoso ba talaga sya sakin or nadala lang sya sa kalasingan nya that night?
Hindi ko na inopen up yon.
Baka isipin nya pa masyado kong dinibdib ang mga sinabi nya. Conceited pa naman si gago.
Maya maya pa, pinaayos na kaming lahat. Pangfinale pa naman ako pero pinaready na din ako. Mabilis lang ang flow nito kaya dapat alisto ka. Dapat alert ka.
Sumilip ako dito sa gilid ng backstage para makita ko ang mga ginagawa nila sa harap. Like I said, isang beses lang ang rehearsal namin kaya gusto kong makapanuod.
"Hija, malapit ka na. Don't forget to smile. Just relax. Wag mong pagtuunan ng pansin ang crowd. Lakad lang. Smile." she said.
Inayos ko na ang sarili ko. Tumayo ako ng straight. Pinipilit ko talagang magrelax para mawala ang panginginig ko pero hindi pa din nawawala. Bahala na.
"And for our finale, I want to introduce to you our new masterpiece, Allison Mendez!"
On cue, lumabas kaagad ako.
Kung yung iba sa gilid sila lumabas kung saan ako nakasilip kanina, ako sa gitna ang daan ko. Bumukas yung gitna at naglakad na ko. Nakangiti ako at unti unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Tuloy tuloy lang ang pagflash ng mga camera nila at yung iba ay nagstanding ovation pa.
Nagpalakpakan sila habang naglalakad ako.
Pagtalikod ko, naglakad na ko pabalik sa backstage. Nawala na talaga ang kaba ko at wala na kong ibang mafeel kundi ang kasiyahan.
"I told you hija! Madali lang diba?" salubong ni Tita Francesca sakin.
Natapos na ang gig at nandito kami ngayon sa isang restaurant. Magkakasama kaming mga models at lahat ng mga staff. Kasama ko ngayon si Franco at Tita Francesca pero mukhang may sari sarili silang mundo.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
Roman d'amourIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.