Kier's POV
"You did a great job, son! The board is very much impressed." my dad said. Nandito ako ngayon sa head office ng company namin ni dad. Since malapit na siya magretire, katakot takot na training ang ginagawa niya sa akin bago ako magtake over sa kumpanya.
"I have to go now, dad." wala naman na akong kailangang gawin dito sa opisina kaya naman naisipan kong umalis na. Tapos naman na ang board meeting kaya pwede na akong sumibat.
It's been a week na rin mula nung huli naming pagkikita ni Allison at yung incident na I'm sure hindi rin naman niya maalala. She has never brought it up since then kaya pilit ko na lang ding winaglit sa isip ko. She was just carried away with what was happening with her, that's why.
Tahimik din ang buong linggo ko dahil nandito ako palagi sa company at paminsan minsan ay tumatambay ako either sa bar ni James o sa bahay ni Troy.
Bumaba na ako ng building at dumiretso sa parking. Kailangan ko rin kasing sunduin si Allison ngayon dahil nagpapasama nga pala siya sa isang photoshoot na siya ang kinuhang photographer.
Maya maya pa ay nasundo ko na si Ally at nakarating na rin kami kaagad sa location kung saan gagawin ang photoshoot. Tumulong lang ako sa pagbaba ng mga paraphernalia niya at inalalayan siya sa pag-set up.
Nandito kami sa isang park na napakalawak. Open area kaya tanaw mo ang napakaraming puno sa paligid. Married couple pala ang mga client niya. Hindi ko na inalam masyado kung anong theme at kung para saan yung photoshoot na 'to.
At dahil busy naman si Allison, umupo na muna ako sa binitbit naming folding chair.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ko ang pagkikita namin ni Jad nung isang araw.
*FLASHBACK*
"Son, this is Jason, the son of our investor Mr. Cheong from China." another hectic day dahil may mga foreign investors kaming bumisita ngayon sa company. Wala naman akong gagawin kundi makipagbatian sa kanila. Ngumiti, makipagshake hands, konting small talk.
Mabilis lang ding natapos kaya nagpaalam na ako. Pagkasakay ko sa kotse ay pinaandar ko na kaagad paalis ng office. At dahil medyo maaga aga pa ay napag-isipan kong magdrive thru muna sa isang kapehan malapit dito sa opisina.
Habang umoorder ako, gulat naman akong napatingin sa side mirror ko dahil nakita ko si Jad na nakaupo sa labas ng coffee shop. May mga kasama siya at may katabi siyang babae.
Pagkakuha ko ng order ko ay naisipan kong ikutan ang pwesto nila.
Nang makalapit na ako sa kanila ay sinipat ko muna ang mga kasama niya lalo na yung babaeng katabi niya. Hmm. Pwede na.
Binaba ko na ang bintana ko sabay sipol dun sa babaeng kasama niya.
Si gago bigla namang umakbay sa chic na kasama niya sabay tingin ng masama sa akin. Mukhang hindi ako namukhaan agad nito ha.
"What's up, Jad? Tignan mo nga naman. You're also here." I smirked. Nanlaki naman ang mata niya at dahil marami naman akong oras ay bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa grupo niya.
"New girl again?" sabi ko habang humihigop ng kape. Napansin ko namang nakatingin na ngayon sa akin yung babae niya at hindi inaalis ang pagkatitig sa akin.
"Hey, I'm Kier." inabot ko ang kamay ko sa babae at kinindatan.
Tumayo si Jad at akmang susugurin ako kaya inunahan ko na. Dahil nauna akong makabwelo ay nakwelyuhan ko siya. "Don't ever come near Allison ever again. You hear me?" mahina lang ang sinabi ko pero may halong pagbabanta.
Nagsitayo naman ang mga kasama niya para umawat at bumack up pero iniwan ko na sila.
"Fuck off, dude." rinig kong sigaw ni Jad nung paandarin ko na ang sasakyan ko.
*END OF FLASHBACK*
"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo diyan?" oops. Nandito na pala sa tabi ko ngayon si Ally at nakita kong nagpapalit siya ng lens ng camera niya ngayon.
"Wala ka na dun." I smirked.
Bumalik naman siya kaagad sa pagkuha ng shots.
Tarantang taranta siya dahil supposedly, may kasama siyang assistant ngayon pero ang balita ko ay naka-sick leave daw yung kasama niya kaya naman siya lang lahat ngayon.
At since open area 'tong setting ng photoshoot, ramdam pa din yung init kahit malapit nang mag-sunset maya maya.
Tinignan ko yung married couple na kinukuhanan niya ngayon. They look so happy and so in love. Nabalik namang muli ang tingin ko kay Ally and everything went slow-mo.
It seems like everything stopped moving quickly. Nakita ko kung paano siya ngumiti sa couple na kinukuhanan niya ng litrato at yung pagpunas niya ng pawis niya. Kung paano siya magpabago bago ng pwesto para makakuha ng magagandang shots. Kung gaano siya kalumanay magsalita habang nagbibigay ng suggestions.
I gulped.
Wait.
Bakit ganito?
Then I looked at the couple again at bigla akong napabalikwas sa kinauupuan ko dahil pagtingin ko sa bride, si Ally ang pumasok sa isip ko at inimagine na nakasuot ng wedding dress.
What the fuck is happening to me.
Napakamot pa ako ng mata and I blinked fast so many times para mawala itong naiisip ko.
"Pack up na kami. What happened? Tulala ka yata." nandito na ulit si Ally sa tabi ko at nakita kong nagpaalam na siya dun sa clients niya.
"Hoy. Come on. Let's go! Kain tayo. My treat." sabi ni Allison habang nagsimula na siyang kunin yung mga gamit na naiwan dito sa tabi ko at nagsimula nang maglakad papunta sa parking kung saan ko iniwan ang sasakyan ko.
I was left here dumbfounded with just happened.
What the fuck was that?!
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomanceIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.