BIB - 16

30K 272 6
                                    

*ALLISON'S POV*

Okay.

Hingang malalim.

Oh my god! Ngayon ang first day na magpapanggap kami ni Ivan na mag-on.

Hindi naman sa natetense ako sa kanya or what pero you know? Di naman ako sanay sa ganito eh! Di ko alam kung effective ba magiging acting ko plus, I don't know who I'm doing this for. Seryoso.

Impulse decision.

Galit na galit kasi ako kay Kier eh tapos 'tong si Ivan naman ang galing magsales talk! Hahaha.

Okay. Papasok na ko sa resto. Alam kong andun na si Ivan. Ganito talaga ang set up.

When I walked in the resto, medyo konti pa lang yung tao. Sinalubong ako ni Ivan.

Wow.

He looks so stunning.

Napatulala na lang ako. Ang gwapo nya ngayon. Kaya guys, alam nyo na kung bakit ang daming nagkakandarapa dito.

Pinaupo nya na ko sa seat ko.

"Wow naman. Ang gwapo mo today ha?" I said. Medyo nagiging awkward yung atmosphere eh.

"You too. You look good." he said.

Oh-okaaaaaaay.

What now?

"So, ano ng plano nating gagawin? You know.. Hindi ko alam kung magiging effective ba yung acting natin or what. Kinakabahan lang ako." I said. Seriously. Kinakabahan talaga ako.

Maya maya pa, narinig kong tumunog yung chime ng resto. Meaning may pumasok.

Since yung upuan ko, nakaharap sa door, accidentally akong napatingin.

Nagulat ako dahil nakita ko si Kier. YES. You read it right. Si Kier nga.

May kasama syang babae. Isang napakagandang babae at ang sexy sexy. Nakablack syang fitted na dress na bakat na bakat ang bawat curves nya.

I noticed that almost everyone inside the resto also looked at her.

Napatingin ako kay Kier and he looked at me too. He looked at US.

Ngingitian ko sana sya pero nagulat ako ng sya mismo ang naunang umiwas ng tingin.

Pinaupo nya na yung girl na kasama nya. Okay. Who is she?

"Oh, ngumiti ka nga. Baka akala ng mga tao dito na wala akong kwentang ka-date." sabi ni Ivan habang nakangiti.

I smiled. Trying to forget the scenario that happened between me and Kier.

Dumating na yung food na inorder ni Ivan for us. Kumain na kami habang nagkkwentuhan.

Maya maya pa, I excused myself. Naiihi na ko. I went to the restroom.

Maya maya pa, nakita kong pumasok rin sa loob yung girl na kasama ni Kier. Dinedma ko na lang sya.

I am secretly checking up on her habang nakatingin sa mirror. Ang ganda nya at ang kinis ng balat nya.

Tapos ang ganda ng hubog ng katawan.

Maya maya pa, nagsalita yung girl. I was startled. Did she notice that I was looking at her?

"Hey. You're Allison right? Yung photographer?" she said.

"Ah. Oo. Yes. Ako nga." I said.

"I see. So are you two guys dating? You and Ivan?" she said while smiling.

Sasagot na sana ako ng biglang magring yung phone ko.

I excused myself.

"Huy! Come back here na! Itong Kier na to inaangasan ako dito. Good thing he went to the restroom."

Natakot naman ako.

Ano namang problema nung Kier na yun?

Tsss.

"Uhm. Sorry but I have to go. What's your name nga pala?" I asked the girl Kier's dating.

"I'm Sofia."

"Nice to meet you." I shook her hand then went outside immediately.

Pagkalabas ko, pinuntahan ko kaagad si Ivan.

"I'm sorry Ivan. Anong ginawa nya sayo?" I asked. Duh! Nagaalala ako para sa kanya.

"Don't mind him na lang. I think my plan's working." he said while drinking his red wine.

I just shook my head.

After ilang minutes, naging slow music na yung tinutugtog sa resto. Naging romantic ang atmosphere.

Maya maya pa, nakita kong nagsasayaw si Kier at si Sofia. They look so perfect together.

Hindi ko alam kung bakit parang kumirot yung dibdib ko sa nakikita ko.

Tss. Wala lang to.

Naghahalo lang yung nararamdaman kong inis at galit dahil sa mga pinagsasasabi nya sakin.

Niyaya ko ng umuwi si Ivan.

I told him na masama ang pakiramdam ko. Kaya umalis na din kami.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon