*A/N*
At dahil malapit na ang TAMANG PANAHON, ito na po ang update. Pasensya na ulit kung napakatagal ng update. Hindi ako makatiyempo na makapagpost ng update dahil night shift po lagi si author. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Zombie na ko officially. Pero ito na po ang update. Once again, sa mga nagtatanong po ng twitter account ko, @_cthqueen po :-)
*ALLISON'S POV*
"Ally, wake up."
Nagising ako dahil sa yumuyugyog sakin habang natutulog ako. Bakit ba? Anong meron? Antok na antok pa ko eh.
"Saan ka ba nanggaling kagabi? Sobra mo nanaman akong pinagalala Ally! Sinong old friend yung kasama mo?" she asked. Tuloy tuloy syang magsalita kaya hindi masyadong nagregister sakin lahat ng mga sinabi nya. Plus, sobrang antok pa talaga ako.
Hindi tuloy ako nakasagot.
Nakatingin lang ako sa ceiling.
"Sorry if ginising kita. Actually aalis din kasi ako kaya magpapaalam din sana ako. Medyo kabado kasi ako kaya nagising kita." she said. Medyo kabado sya? Saan?
"Bakit ka kabado?" I asked.
"Magkikita kami ni.. Ni Ivan." she said then she sighed. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.
"No! Hindi kami magdedate. Nagtext kasi sya sakin and sabi nya magusap daw kami. I don't know. Kabado ako." sabi nya.
"Ganon na din yon!" I said. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, mahirap talaga maimagine na magkakaron si Ivan ng girlfriend or gusto sa isang babae pero ito na nga ang nangyayari ngayon.
"Hay nako Ally. Iba ang pakiramdam ko. Feel ko FO (friendship over) na kami." she said.
Napatawa na lang ako ng sobrang lakas. FO agad? Baka nga magupgrade at maglevel up pa silang dalawa eh.
"Hay nako. Wag nega. Sige na. Umalis ka na. Rule number 1, wag paghihintayin si Ivan ng matagal. Mainipin si bakla." I said. Napatahimik na lang si Maya. Lumapit lang sya para bumeso.
"Ally naman eh! Lalo akong kinakabahan. Oh sya sige. Aalis na ko. By the way, baka gabihin ako ha? Kasi baka after naming magusap ni Ivan, puntahan ko si kuya. Will you be alright here?" she asked.
"Ofcourse." I said.
Then umalis na si Maya.
Will I be alright?
Oo naman!
I looked at my phone.
Sa totoo lang, napuyat ako kagabi ng sobra. Pagkadrop kasi sakin ni.. Ni Kier dito sa hotel, nagkatext pa kami. Hay.
~FLASHBACK~
"Good evening ma'am!" bati sakin nung guard sa labas ng hotel. Sa totoo lang, ang ganda ng gabi ko.
I greeted him back.
Naglakad lang ako papuntang elevator. Walang ibang laman ang isip ko kundi si Kier. Kier. Kier. Kier. Kier.
Pagkababa ko sa elevator, pumasok na kaagad ako sa hotel room namin ni Maya. Maya maya, biglang tumunog yung phone ko. Merong text.
Pagtingin ko, si Kier!!!
"Thanks for tonight. Goodnight." he said. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa text nya na yon. Mukha na nga yata akong tanga dahil nakangiti lang ako ng sobra.
Hindi ko alam kung anong irereply ko. Medyo namamawis na nga din yung kamay ko. Ang saya saya ko lang kasi sobra.
"Goodnight. I had a great time too. Sana hindi pa ito ang last." I replied.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomanceIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.