BIB - 54

10.1K 186 22
                                    

"Tanggalin mo na yang sayo."

Nanigas na yata tong katawan ko. Para akong semento na unti unti ng tumitigas habang tumatagal.

"What?" he said habang nakatingin sakin. Pero yung mga mata nya. Parang walang emosyon. Parang hindi na sya yung Kier na nakilala ko.

"Don't waste my time. Now go and remove it. I still have many things to do. Hindi ko nga alam bakit pa ko pinapunta ng tatay ko sa nonsense na masquerade party na to." he said. So he doesn't know who I am.

Hindi nya alam na ako tong babaeng kaharap nya ngayon. Fuck! Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. I should've stayed at the hotel na lang or somewhere else but here. Hindi ko alam. Hindi pa ko handa.

Unti unti na lang na tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi nya ba ko nakikilala? Matagal kaming naging magbestfriends. Wala manlang ba syang naramdaman na kakaiba? At of all the girls kanina, bakit ako pa ang napili nyang ibid?

Pero nandito na ko ngayon. Magkaharap na kami. Hindi ko man to inaasahan pero kailangan ko na din syang harapin. Sooner or later magkukrus din naman ang landas namin.

I removed the mask gently.

He was so busy with his phone kaya hindi nya napansin na natanggal ko na yung mask ko. When he finally looked at me, I can see his expression changed.

It became colder.

At yung mga mata nya parang napalitan ng matinding galit at poot. Kung nakakasunog lang ang mga titig nya, abo na lang siguro ako ngayon.

Tatayo na sana sya pero I stopped him. Pinigilan ko syang tumayo. I really don't know what to say. Pero ito na din siguro ang tamang pagkakataon para makapagusap kami.

"Kier, wait! Wag ka munang umalis. Please." I said. I almost pleaded. Wala naman syang naging reaksyon. He just remained on his seat.

I asked the waiter to leave the two of us here para makapagusap kami ng maayos. Sumunod din naman agad yung waiter. Nahalata nya din siguro yung tensyon dito sa loob.

"Kier, I didn't know it was you.." I said. Then I suddenly stopped because I'm choking with my own words. My heart is pounding so fast like I couldn't catch up with its phase.

I looked at him. Hindi sya nakatingin sakin. Nakatingin lang sya sa kawalan. Ofcourse! Ako talaga ang kailangang magsalita sa paguusap na to. Mukhang wala naman syang gustong sabihin sakin.

"Kung wala ka ng sasabihin, kailangan ko ng umalis." he said using his coldest voice.

Feeling ko nakaramdam ako ng chills dahil sa boses nya. Sobrang cold. Parang walang emosyon. Parang hindi na talaga sya ang Kier na naging bestfriend ko at ang lalakeng mahal na mahal ko.

"Please. Wag kang umalis." I said then I started to cry. Ang hirap pigilan ng mga luha. Kahit sobra mong pigilan, tutulo pa din ng tutulo kung kelan nito gustuhin.

"Galit ka ba sakin?" I asked.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi talaga sya tumitingin sakin. Ganon ba sya kagalit para hindi nya ko magawang tignan manlang kahit saglit?

"I don't have time for this. Nagmamadali ako. Hinihintay na ko ng girlfriend ko." he said. Is it just me or inemphasize nya talaga yung word na girlfriend?

Feeling ko namanhid ako. Yung pakiramdam na parang tumigil sa pagdaloy yung dugo ko sa buong katawan ko.

"May girlfriend ka na pala talaga. Tama nga ang mga naririnig kong balita about you. And I heard ikakasal na kayo." I said. Tuloy tuloy. Kahit alam kong nanginginig ang boses ko, hindi ako huminto.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon