*A/N*
Hello guys! Dahil 96,000 reads na ang BIB, magpopost na ko ng update. Salamat sa pagbabasa guys! Grabe yung happiness ko. OVERFLOWING.
Okay. Ito na ang update mga mahal kong readers. Ito naaaaa. Are you ready? 5, 4, 3, 2, 1.
*MAYA'S POV*
"Sana masaya ka na sa mga pinagawa mo sakin. I hope you're satisfied." I said.
"Not yet. Kulang pa yan. Hindi ako papayag na maging masaya yang dalawa na yan. Akin lang si Allison." Jad said.
Oo. Ang lalaking kausap ko ngayon ay walang iba kung hindi si Jad. Ang ex boyfriend ni Ally.
Ang nagiisa kong kapatid.
"Hindi ka ba nakokonsensya kuya? Sobra na yung nagawa ko sa kanilang dalawa. Kung ikaw wala ka non, pwes ako meron! Alam ko ang pakiramdam ng maloko at masaktan ng nagiisang taong mahal mo. Tumigil ka na kuya!" I said.
Oo. Sobrang nakokonsensya ako sa mga ginagawa ko pero kailangan kong gawin ang mga yun.
Kundisyon namin ni kuya yun.
Malaki ang impluwensya ni kuya. May kaya din naman kami. Pero mas pinili kong magbukod at magsarili dahil hindi ko na kayang makasama ang pamilya ko sa iisang bahay lang.
Ang daddy ko, lagi na lang nakikipagtalo sa mommy ko. Wala na silang ibang ginawa kung hindi magaway. Nakakarindi.
Si kuya, walang ibang ginawa sa buhay nya kung hindi magbulakbol, mambabae.
Si Ally.
Si Ally lang ang nagiisang babae na sineryoso ni kuya. Hindi rin ako makapaniwala na sineryoso nya si Ally dahil alam ko ang lahat ng mga nangyari sa kanila.
Niloko nya si Ally.
Pero kahit nga siguro gaano ka kaseryoso, kung talagang likas kang manloloko, manloloko at manloloko ka pa din.
Hindi ko na kilala si kuya.
Para na syang nababaliw.
Parang anytime makakagawa sya ng hindi maganda at natatakot ako na mangyari yun.
Hindi naman talaga ako kasingsama ng iniisip ng iba. Sa totoo lang, hiyang hiya ako sa ginagawa ko. Pero ginagawa ko to para sa ikasasaya ni kuya.
Nung nagtrabaho ako sa kumpanya ng tatay ni Kier na si Mr. Thompson, wala akong masamang intensyon.
Ang gusto ko lang talaga ay magkaron ako ng trabaho at matahimik ang buhay ko.
Hindi naman kami sobrang close ni kuya kaya nagulat na lang ako ng bigla syang magpunta sa condo ko isang araw.
~FLASHBACK~
*TOK! TOK!*
"Sandali lang." I said.
Sino namang kakatok dito sa condo ng ganitong oras.
Pagkabukas ko, nagulat ako.
Si kuya.
Mukhang nakainom na din.
"Kuya? What are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako?" sabi ko. Shocked ako.
Wala akong pinagsabihan kung saan ako tumutuloy.
"Wala ka ng pakeelam don! May ipapagawa lang ako sayo. Sundin mo ang lahat ng iuutos ko." he said with full of authority.
Hindi ako nakaimik.
"Alam kong nagtatrabaho ka sa kumpanya ng mga Thompson. Kilala mo ba si Kier? Kier Thompson. Anak yun ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Madali lang ang iuutos ko sayo. Gusto kong iseduce mo sya. Paibigin mo tapos saktan mo." pagkasabi nya nun, nanlaki ang mga mata ko.
"What? No! Ayoko." I said pero nagulat ako sa susunod nyang ginawa.
Sinampal nya ko.
So wala akong ibang nagawa kung hindi sumunod. Kaya kinabukasan, nangyari ang ninanais ni kuya.
May nangyari samin ni Kier.
Sa parking lot.
Sa loob ng kotse nya.
After ng ilang buwan na pagseduce ko sa kanya, hindi na tumatalab. Siguro pang-one night stand lang talaga sya.
Hanggang sa nabalitaan na lang ng lahat na may girlfriend na sya at nagulat ako ng malamang si Ally.
Bagay sila pero ex sya ni kuya.
After ng ilang days, nalaman na din ni kuya ang status ni Kier at ni Ally.
At dun nya ko inutusang gawin ang mga gusto nyang ipagawa.
Kapalit ng buhay ng ex ko.
Ex kong nanloko sakin.
~END OF FLASHBACK~
"Ayaw mo kong sundin? Pwes, magpaalam ka na sa ex mong gago. Alam kong mahal mo pa din yun kaya ayaw mong patayin ko. Tatanga tanga ka din!" he said.
Nagpantig ang tenga ko sa mga sinabi nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Oo! Tanga na kung tanga pero atleast nagmamahal ako ng totoo. Niloko nya ko, oo. Pero diba ganun din naman ang ginawa mo kay Ally? Di naman sya mawawala kung di ka ganyan. At sa tingin mo babalikan ka ni Ally kapag tuluyan silang naghiwalay ni Kier dahil sakin? Napakalupit mo! Wala kang konsensya! Hindi ka deserving na magkaron ng taong magmamahal sayo kasi demonyo ka!" pagkasabi ko nun, bigla nya na lang akong sinakal.
Iyak na ko ng iyak.
After ng ilang seconds, siguro natauhan sya at tumigil na sya.
Hindi ako makahinga.
Bigla na lang umalis si kuya.
Natatakot ako.
Baka kung ano ang gawin nya.
Kailangan kong sabihan si Ally at si Kier.
Kailangan ko silang warningan tungkol kay kuya.
Nagbago na si kuya.
Siguro dahil nagddrugs na din sya.
Baka mamaya may mangyaring hindi maganda kaya kailangan ko ng tapusin ang lahat ng to.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomanceIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.