BIB - 63

8.5K 148 32
                                    


*A/N*

BELATED MERRY CHRISTMAS AND BELATED HAPPY NEW YEAR GUYS! HAPPY 2016! At dahil 2016 na, ang new year's resolution ko ay magpost na palagi ng UD para sa story na 'to. Pasensya na kayo guys sa napakatagal na UD. First time kong maranasan magtrabaho sa BPO. First time ko maranasan maging zombie ng literal.

Thank you nga po pala sa walang sawang suporta. Kahit hindi ako nakapagUD ng sobrang tagal, may mga readers pa din po ako na patuloy na naghihintay. And thank you din po sa mga new readers. HELLO SA INYO! Wag na kayong mabeastmode. Peace na!

*ALLISON'S POV*

2 weeks.

2 weeks na kaming ganito ni Kier.

2 weeks ng ganito ang set up namin. Palagi kaming nagkikita ng patago. Pumupunta lang sya tuwing wala si Maya sa hotel. Nagkikita kami tuwing hatinggabi na at maghihiwalay na ulit ng umaga. Hindi din sya masyadong nakakapagtext lately. Hindi din sya masyadong nakakatawag.

Natatakot ako.

Natatakot ako na baka may magbago.

Natatakot ako na baka marealize nya na ayaw nya na pala talaga sakin.

Wala naman syang sinabi na mahal nya na ulit ako pero ramdam ko eh. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nya. Pero alam kong may kulang. Alam kong may mali. Pero alam kong masaya din sya sakin.

"Ally, ayos ka lang ba?" Maya asked.

Nandito kami ngayon sa condo ni Jad. Maaga pa lang pumunta na kami kaagad dito dahil nagrequest si Jad na bisitahin namin sya. Namimiss nya na daw kami. Pero natutulog lang sya ng natutulog.

"Oo naman." I answered and I sighed deeply.

Hanggang ngayon wala pa ding alam si Maya tungkol sa nangyayari saming dalawa ni Kier. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya. Kung nung umpisa siguro medyo madali pang sabihin sa kanya ang lahat pero paano ko sasabihin yon ngayon?

"Sigurado ka? Kanina ka pa kasi tulala dyan. May problema ba? Pwede mo namang sabihin sakin Ally. I'm all ears." she said.

Hindi ko alam pero bakit may nagpupush sakin na magsalita. Hindi ko alam kung bakit may bumubulong sakin na dapat ko na talagang ikwento ang lahat. Siguro kasi nahihirapan na din ako sa set up namin. Lagi kaming nagtatago.

Dapat ko na bang sabihin?

"Okay lang ako. Medyo masakit lang ang sikmura ko." I said. Napabuntong hininga nanaman ako. Hindi. Hindi ko pa din talaga kayang ikwento.

Hindi ko alam kung natatakot ba kong mahusgahan kaya hindi ko makwento.

O siguro hindi ko tanggap na..

Na isa akong kabit.

Pero kabit na nga ba talaga akong matuturing?

Wala naman kaming label ni Kier.

"Ikaw naman kasi. Ayaw mo pang magbreakfast kanina. Ayan tuloy. Hala sige, kumain na muna tayo. May bagong bukas na coffee shop dun sa kanto. Super lapit lang dito. Gusto mo itry?" she said.

Sounds good.

"Let's go." pagyaya ko sa kanya.

Nagpaalam muna kami kay Jad. Nagrequest pa ng take out. Nakakatuwa lang kasi bumabalik na yung energy nya. Medyo nagkakaron na din sya ng laman. Pero pale pa din yung kulay nya but atleast makikita talagang may progress sya.

Nakalabas na kami and naglakad papunta sa kanto malapit dito.

Sa labas pa lang, makikita na agad yung bagong bukas na coffee shop.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon