"Mommy, wake up!"
Bumangon na ko agad. Napangiti naman ako ng makita ang little angel namin na pursigidong magising kami ng daddy nya.
"Mommy, it's your birthday today. Happy birthday! I love you!" she said. She went near me to hug and to kiss me.
I hugged my little angel so tight.
Our Princess Keira.
"Surprise!" narinig ko namang boses ni Kier na pumasok dito sa kwarto at may dala dalang tray ng pagkain.
"Mommy, we cooked something for you. See?" she said habang tinuturo ang tray na bitbit ng daddy nya.
Umupo sa tabi ko si Kier at binaba sa kama ang tray na dala nya.
"Si Keira ang nagluto ng pancakes babe. Bite size nga lang. Alam mo naman yang baby na yan, gusto sya ang masusunod. Birthday mo daw kaya sya daw ang masusunod sa pagluluto." he said then we both laughed.
Pancakes na bite size.
"Thank you so much baby. Come here." I said then kiniss ko sya ng sobrang dami. Ang cute cute talaga ng baby ko na to.
"Paano naman ang daddy? Walang thank you at kiss?" sabi ni Kier na nagkukunwaring nagtatampo pa.
Ang sarap batukan.
"Thank you babe!" kiniss ko sya sa lips.
"Thank you ka dyan. Babawi ka sakin mamayang gabi no. Anong akala mo, libre lang to?" he said.
Nanlaki naman ang mata ko.
Napahampas tuloy ako sa braso nya.
"Napakapilyo mo! Nandito yung anak mo." I said habang pinandidilatan sya ng mata.
Kumain kaming tatlo dito sa kama.
"Happy birthday babe. Mamaya na yung gift ko ha? Alam mo na." he smirked.
Aba'y loko loko talaga.
Tuloy lang kami sa pagkain. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa sobrang saya. Three years old na ang baby namin. Lalo din kaming nagiging strong ni Kier.
I can't believe na pwede pa pala kaming maging ganito kasaya. Sa dami ng pinagdaanan namin, dito din pala ang bagsak. Hay. Ang sarap lang isipin.
"Mam, sir, nandito na po sila Sir Troy." narinig kong sabi ng maid namin habang nakatayo sya sa labas ng pinto namin.
Oo nga pala. Dito nga pala kami magcecelebrate lahat sa bahay para sa birthday ko na to. Hindi na kami basta basta makalabas dahil meron na kaming mga bulilit kaya dito na lang muna sa bahay para makasama pa din sila.
"Mommy, I'll go down. I want to see them." sabi ni Keira na patakbong lumabas ng kwarto namin.
Napailing na lang ako.
Maya maya, narinig namin ang boses ng isang batang umiiyak. Nagkatinginan kami ni Kier. We already know why.
Lumabas kami ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita namin si Keira na paakyat ng hagdanan at bitbit ang ipad ni Trey at si Trey na umiiyak habang nakaupo sa sahig.
Napailing na lang ako.
Napakabully talaga ng anak ko.
"Keira, give it back to Trey." narinig kong mahinahon na sabi ni Kier.
Bumaba na ko para salubungin sila Troy at Sofia. Nakakahiya dahil hindi pa ko nakakaligo. Dibale, maliligo na agad ako.
"No!! He took a picture of me here. I will delete it." she said. Pataray pa ang boses.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomanceIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.