*A/N*
Hi guys!!! Before ako magpost ng UD, magpapasalamat lang po ulit ako sa mga nagbabasa nitong BESTFRIENDS In Bed. Thank you so much!!
Ito na po ang UD. LOVELOVELOVE. <3
*ALLISON'S POV*
(Sorry Kier! POV ko na ulit. BLEH!!!)
One week.
One week na ang nakakalipas simula nang magusap kami ni Kier.
Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Si Kier yun eh!!! I mean, it's not that I'm saying na hindi sya capable magmahal. Ofcourse he is. Tao lang rin naman sya eh. Pero bakit ako?
Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Sa buong isang linggo, halos wala akong tulog. Hindi ko alam kung paano, kailan, bakit.
Gustuhin ko man syang kausapin, wala na.
Umalis na sya.
Hindi na ko nagkaron ng pagkakataong makausap ulit sya.
Oo.
Umalis na si Kier.
Nasa Canada na sya ngayon.
Umalis na sya ng wala manlang paalam sakin. Pero hindi ko naman sya masisisi. Masakit din yung mga nabitawan kong mga salita. If only naging understanding lang ako. Bestfriend ko sya. Pero masyado akong nagpadala sa emosyon ko.
~FLASHBACK~
"Girl, sure ka bang wala ka pa ring balak makipagusap sa kanya? Magiisang linggo na oh. God!" pangungulit ni Ivan sakin.
Seriously. Ilang araw na kong kinukulit nito na kausapin si Kier.
May kailangan pa ba kaming pagusapan?
Well, medyo nawawala naman na yung inis at galit ko pero no. Hindi ko na muna sya kakausapin. I need more time para makapagisip isip.
*KRIIING!!! KRIIING!!!*
*KRIIING!!! KRIIING!!!*
"Hello?" sabi ko. Hindi ko kilala yung tumatawag. Number lang eh. Hindi nakasave yung number nung caller sa phonebook ko.
"Ah. Hello? Ally? Allison? Ikaw ba yan?" sabi nung lalake sa kabilang linya.
"Oo. Ako nga. Sino to?" I asked. Pamilyar yung boses.
"Si Troy to. Yung tropa ni Kier. Ano kasi Ally eh.." he stopped. "Ally, si Kier. Ngayon na ang flight papuntang Canada. Actually, ayaw nya pa ngang ipaalam namin sayo kaso syempre kailangan mo ring malaman."
Si Kier? Pupuntang Canada?
"Ha? Bakit sya pupunta ng Canada? Bakit agad agad?" I asked. Oh my god!! Bakit sya pupunta dun?
"Ally, hindi ko alam kung ano yung nangyari sa inyo nung nagusap kayo ni Kier. Sinasabi ko to sayo ngayon para malaman mo na aalis na sya mamaya. Baka sakaling gusto mong magpaalam sa kanya. Mukhang matatagalan pa sya bago bumalik ulit dito." he said. Mukhang malungkot din yung boses nya.
Fuck!
What am I gonna do?
Bakit biglaan?
"Anong oras ang flight nya?" sabi ko. Kailangan ko syang makausap.
"Nasa airport na yun ngayon. Mamayang 3:00 ang flight nya."
Pagkatapos nun, binaba ko na yung tawag.
Nagmadali na kong magbihis at niyaya na si Ivan para makapunta na kami ng airport.
Oo. Napakadaming nangyari samin ni Kier nitong nakaraang araw pero it doesn't mean na wala na kong pakeelam sa kanya. Kailangan mahabol ko sya.
Natataranta na ko.
Habang nasa sasakyan, hindi ako mapakali.
Tangina! 1:45 na. Fuck! Kailangan ko ng bilisan.
"GIrl, chill! Baka naman maaksidente tayo kapag masyado kang nataranta dyan. Oh no! Hindi pa ko ready madeads ah. Kailangan ko pa makahanap ng boylet. Kailangan ko munang magladlad sa madlang pipol. Huhuhu." sabi ni Ivan.
Inirapan ko na lang sya at nagstart nang magdrive.
When I checked my wrist watch, it's already 1:55.
Bakit napakabilis ng oras?
Binilisan ko na ang pagddrive kaso shit!! Napakatraffic. Buti sana kung humihinto din yung oras kaso hindi. Malayo-layo pa ko sa airport. Oh my god!!!!
Medyo umuusad na yung traffic pero napakabagal pa din. Nagpapanic na ko. Gusto kong tawagan si Kier kaso pagtingin ko wala yung number nya sa contacts ko! Fuck naman! Bakit ko pa kasi binura yung number nya! Bullshit naman!
"Ugh!! Bullshit. Ivan! May number ka ba ni Kier?" tanong ko kay Ivan.
"Girl! Hello! Paano ako magkakaron ng number nun?" he asked.
Oh my god!!!
I tried calling Troy kaso busy naman yung line.
Oh my god talaga!!!!
I checked the time. 2:15 na.
Umusad na yung traffic. Mabilis na ulit yung patakbo ko kaso tangina kung minamalas ka nga naman. Nakita ko malapit nang mag-empty yung gas ko. Shit! Shit! Shit!
Nakalimutan kong magpagas!!!!
"Ivan!!! What are we going to do? Fuck! Mauubusan na ko ng gas. Magtaxi na lang tayo!"
That's it. I parked my car sa tapat ng isang resto tapos bumaba na kami at nag-abang ng taxi.
"Girl, bakit parang wala namang nadaan! Kaloka ka! Hindi ka nagpagas! Sana yung sasakyan ko na lang pala yung dinrive natin!" sabi ni Ivan na mukhang worried na rin.
After 10 minutes, may dumating na na taxi.
Sumakay na agad kami.
"Manong, pabilisan po ha? May cinacatch po kaming flight. Hindi po kami pwedeng malate." pagkasab ko nun, tumango lang yung driver. Sa itsura nung driver, mukhang hindi rin sya sure kung talagang kaya namin umabot on time.
Grabe naman kasi talaga yung traffic!!!!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko!!
Pagtingin ko sa time, 2:45 na!!!!
Oh my gosh! 15 minutes na lang 3:00 na! Kailangan umabot kami.
Tinignan ko yung paligid, traffic pa din.
Fucking shit!
I tried calling Troy again. Finally, nagring na.
"Hello Troy! Si Ally to. We're on our way to the airport. Pahingi naman ng number ni Kier. Please." I said.
"Nako Ally! Wala na yung sim card at phone ni Kier. Iniwan nya na kay James." sabi ni Troy.
SHIT!!!!
"Sino pwede ko tawagan? Oh my god Troy. Please help me. Kailangan ko sya makausap bago manlang sya umalis." I said. Teary-eyed na ko.
"I'm so sorry Ally. Sorry talaga." he said.
Naibaba ko na yung tawag. Wala na. Wala na sigurong chance para makapagusap kami. Shit! Naluluha na ko.
Dumating kami sa airport, 3:10 na.
Wala na. Wala na sa Kier.
Napaiyak na lang ako sa sobrang panghihinayang.
~END OF FLASHBACK~
OH DIBA? NAKAKAINIS!!!
Tapos naiiyak pa ko dahil nanunuod ako ngayon ng Starting Over Again! Shit!
Ang gwapo gwapo ni Papa Piolo!
Piolo, anakan mo ko!
Hehehe.
Joke!!
Pero seryoso, lungkot na lungkot na ko!!!
KIER KASI!!!! :
Iniwan mo ko dito.
</3
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomanceIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.
