BIB - 7

40.6K 365 11
                                    

Allison's POV

There's something really weird that's happening with my bestfriend Kier right now. It started yesterday nang samahan niya ako sa gig ko. He was so spaced out at ngumingiti ngiti pang mag-isa tapos kung ano ano pang mga pinagsasasabi sa akin.

Nilibre ko pa man din siya ng pagkain kagabi yet hindi naman niya kinain masyado.

Ang mahal kaya nun. Tsk.

My phone suddenly rang. Oh. Unknown number.

"Hello?" the guy on the other line said.

"Ah. Hi. Who's this, please?" I asked.

Sana client. Hindi pa naman ako masyadong busy this week.

May mga open slots pa ako. 

"Is this Allison? Yung photographer dun sa event the other day? This is Ivan. Do you still remember?" 

OH TO THE EM TO THE GEE!!!

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko.

"Hey, are you still there?" ay. Shuta. Hindi na pala ako nakapagsalita.

"Oh. Sorry. Yes. Hi, Ivan. Of course." punyeta, Allison! Kumalma ka lang. Baka mahalatang kilig na kilig ka.

Pero, omg talaga! Ang hirap pigilan ng kilig.

Ivan is a famous model dito sa Pinas. Siya ang bagong model ng isang multinational clothing brand dito sa Pinas. Siya din ang bagong crush ko ngayon lalo na nung makita ko siya sa personal. 

Matangkad. Chinito. Gwapo. 

"Good to know. Just checking lang din if your number is working. So, I guess I'll just see you tomorrow?" waaaa! Wait. Is he asking me on a date?

"Ah.. Saan tayo pupunta, Ivan?" jusko po, Lord! Pinagdasal ko lang naman na gusto ko nang makapagmove on. Ang bilis niyo naman pong sumagot.

"Silly! Sa photoshoot, right?" tumatawa niyang sagot.

OMG! WHAT THE FUDGE.

Ano ka ba naman, Allison. Nakakahiya ka.

Naglakad ako nang mabilis papunta sa study table dito sa kwarto ko at tinignan ang calendar.

Shet. Bukas nga pala yung photoshoot namin para sa magazine namin at isa nga pala siya sa mga models na kasama.

"Hehe. Oo nga. Sabi ko nga eh. See you, Ivan." jusko! Buti na lang talaga at sa telepono lang kami nag-uusap. Hindi niya makikita ang pamumula ng fes ko ngayon.

"Haha. Cute mo. Alright. Ingat ka. Bye." at hindi na ako nakasagot ng tuluyan at pinatay ko na kaagad ang call.

Tangina? Oxygen, please!

Dumapa ako sa kama at binaon ko ang mukha ko sa unan ko.

OMG! How did he even know my number? 

Nakakahiya pa mga pinagsasasabi ko. Ang kalat. 

Pero, omg! Did he also say I'm cute? Waaaaa.

I feel like I'm in high school again. Ganitong ganito yung nararamdaman ko sa tuwing nakakasalubong ko yung crush kong varsity player namin sa school.

Yung kilig na kilig ka tapos pinipigilan mo kasi ayaw mong mahalata nung crush mo.

Tutal tanghali pa lang naman, makapunta nga sa salon ngayon. Parang kailangan ko ng pamper day today at mukhang mapapalaban ako bukas. Kailangan ko ng extrang ganda.

After I showered, nagbihis na kaagad ako at nag-ayos lang ng konti at nagdrive na rin kaagad papunta sa salon sa loob ng mall na madalas kong puntahan.

Pagkapasok ko sa parking ng mall, bigla namang nagring ang phone ko.

Grabe naman si Ivan. Miss naman yata ako agad.

"Hi, Ivan!" bati ko.

"Anong Ivan! Hindi Ivan ang pangalan ko. Pogi ang pangalan ko." sus. Si Kier lang pala.

"Tse! Oh, napatawag ka?" disappointed kong sagot.

"Lugi ka pa? Punta ako diyan. Condo ka ba? May dala akong pizza." ay. Wow. May pa-pizza si mayor.

"Ang ganda ng timing mo. Nandito ako ngayon sa mall. Pero kung bet mo, samahan mo na lang ako tapos sa condo na natin kainin yan while movie marathon. G?" I suggested.

Hindi pwedeng hindi matuloy ang oplan pagpapaganda ko ano.

"Fine." maikli niyang sagot. Sinabi ko na rin kung saang mall ako nagpunta at nagpark na ako ng sasakyan. Bibihira lang ako magdrive dahil sobrang nerbyosa ako pero dahil malayo layo 'tong mall na pinupuntahan ko at hassle magcommute, I chose to drive today.

Kung alam ko lang sana na pupuntahan din naman pala ako ni Kier sana nagpasundo na lang pala ako sa condo. Nabawasan pa tuloy gas ko.

Nandito na rin ako ngayon sa salon at sabi ko kay Kier na lumibot libot na muna siya dahil mukhang matatagalan pa ako dito. Pumayag naman siya at babalik na lang daw siya kapag patapos na ako. 

After how many hours ay finally natapos na din ako. Nagpagupit ako ng konti, nagpa-foot spa and nagpaayos ng nails. Nabudol pa ako ni ate dun na magpalagay ng pilikmata. Ayoko sana nung una kaso para kay Ivan, go go go!

Tinawagan ko na din sa phone si Kier para papuntahin na dito dahil malapit 'tong salon kung saan ako nagpark kanina. Nagbayad na rin ako.

"Bes! Here!" tinawag ko siya ng malakas dahil hindi pa siya sigurado kung tamang salon ba yung napasukan niya. Palinga linga pa si tanga.

Pumasok na rin siya sa salon and as expected, napatingin sa kanya ang mga staff ng salon at mga customers na nandito sa loob.

Well, I'm so proud to say na napakagwapo naman kasi talaga ng bestfriend ko. Kung hindi ko lang naging bestfriend 'to mula pagkabata namin malamang isa na din ako sa nagkacrush dito pero pass! Pass po tayo sa mga babaero.

Nakasuot lang siya ngayon ng gray sweatpants at gray hoodie. Take note, ganyan pa nga lang ang suot niya ngayon pinagtitinginan na siya. What more pa kaya kapag nakita nilang naka-corporate attire 'to or formal wear. 

"Are you done checking me out?" mayabang niyang sabi then he smirked.

"As if!" sabay walk out ko.

Pero huminto din ako sa paglalakad.

"Pero ano, bagay ba? Okay lang ba?" baling ko sa kanya habang fineflex ko yung mga pinagawa ko sa salon.

Napatitig naman siya sa akin. 

I don't know but biglang lumukso yung puso ko nung moment na nagkatinginan kami.

"Pangit mo pa rin. Tara na." sabi niya hanggang sa tumalikod na siya sa akin at nauna nang maglakad.

What the. Ang gago.

Umuwi na rin ako diretso at sumunod na lang siya sa akin sa condo dahil bitbit ko yung sasakyan ko. 

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon