*A/N*
Hello mga babies! Thank you sa pagbabasa ng BIB. 40k reads na tayo!!!!! Sobra sobrang nakakataba ng heart. Hihihi.
Ito na po ang update. LOVELOVELOVE. HARTHART. <3
*IVAN'S POV*
(Yesssss! May POV nanaman ang bakla! Oha! Kabog!)
I know mukha na kong bitch dahil sa ginagawa ko kay Ally. Imagine, todo dedma talaga ang beauty ko sa kanya. Well, it's all part of the plan. Kapag lumambot ang puso ko at nagpadala ako sa awa ko sa kanya, masisira ang plano. So tiis tiis lang muna.
Worth it naman yun pag nagkataon. Hihihi.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagpapakabusy sa modelling ko. Although syempre nagshoshoot pa din kami at sometimes rumarampa ako pero most of the time, kasama ko si Troy at si James.
Oh diba? Ang haba haba ng hair ko. May kasama akong dalawang goddess pero syempre mas goddess pa din si Kier baby boy.
Naging kaclose ko na din si Sofia and si Aubrey. Nahahawa na ko ng pagiging maganda sa kanila. Hahahaha.
Pero I feel guilty din kasi ginaganun ko si Ally. I love Ally. Tinuturing ko na talaga syang long lost sister ko plus masarap kasama si Ally. I am myself whenever I'm with her.
Pero this is for her own sake din naman. Para sa kanila ni Kier.
*KRIIIING!!! KRIIIING!!!*
"Hey girl! Si Sofia to. Are you going to attend our engagement party? Hindi ka pwedeng mawala dun ha?"
Oh shit!
Ngayon nga pala ang engagement party ni Troy chaka ni Sofia.
"Girl, is Kier coming?" I asked. Ofcourse I have to know. Hindi pa din alam ni Kier na bekibels ako plus ang alam nya, kami pa din ni Ally. Saka he doesn't have a clue na may ginagawa na kaming plans para sa kanila ni Ally.
"Ofcourse! Bestfriend sya ni Troy. So pupunta talaga yun. So paano ang plano natin mamaya?" she asked.
Napaisip ako dun ah.
"Girl, ano kaya kung sabihin na lang natin kay Kier na break na kayo ni Ally. Tapos sasabihin ko na lang na close friends tayo tutal we're both models. Right?"
GOOD IDEA!!!!
Natapos na kaming magusap ni Sofia. So ganun na lang ang gagawin naming plano kapag nagkita kita na kami mamaya nila Kier.
Sana lang wag nya kong masapak!
Oh no!
Hindi pwedeng mabangasan ang mukha ko. Pangarap ko ding pumasok sa beauty pageant. Charot!
Nagprepare na ko and then pumunta na ko sa bahay nila Sofia.
Well, rich kid din tong si Sofia. Napakalaki ng bahay. Mga elite talaga. Pagkadating ko dun, nakita ko na kaagad si Aubrey and si James na as usual, hindi mo nanaman mapaghihiwalay. Magkakapalit na to ng mga mukha eh. Bwahahaha.
"Yo!" I said.
Syempre kailangan lalakeng lalake ako dito. Baka mamaya mahuli ni Kier na paminta ako. Malalagot na! Masisira na kaagad ang plano.
"Girl, ang gwapo mo today ha? Mas gwapo ka na sa babe ko." patawa-tawang sabi ni Aubrey.
Tinignan naman ako ng masama ni James.
Maya maya pa, may narinig kaming boses. Made me feel kinda nervous.
"Bro! Sorry I'm late. I totally forgot na ngayon pala ang engagement ng dalawa. Hahahaha."
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
Storie d'amoreIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.